Maraming magaganda at gwapong mukha ang nasa industriya ng showbiz na talaga nga namang kahanga-hanga at kaakit-akit.

Kaya naman ang ilang artista ay nagkakaroon ng relasyon sa kapwa nila artista at ito narin ang kanilang napapangasawa. May ilan rin naman na mas pinili ang magkaroon ng simple at tahimik na buhay may-asawa sa pagpili ng kapareha na malayo sa indsutriya ng showbiz.

Isa na rito ang kilalang aktor na si Ian Veneracion. Sino nga ba ang hindi makakakilala kay Ian Veneracion? Si Ian Veneracion ang isa sa mga pinakamakisig at matipunong aktor sa ating bansa. Sa edad na 44 ay talaga nga namang napakakisig niya at tila hindi tumatanda ang hitsura nito dahil napakagwapo parin na talagang hinahangaan at kinagigiliwan ng mga tagahanga. Bata pa lamang siya ng nagsimula sa showbiz at una siyang nakilala sa GMA ngunit hindi lumaon ay lumipat ng network kung saan ay pamamahala ng ABS-CBN. Bukod sa pagiging makisig na aktor ay isa rin siyang piloto, pintor at mang-aawit.

Ang kanyang ama ay si Roy Veneracion na isang pintor at ang ina naman niya ay si Susan Lopez Veneracion. Naging makulay rin ang kanyang buhay pag-ibig kung saan napangasawa niya si Pam Gallardo na isang industrial engineer at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng tatlong anak.
Nagsimula at nakilala si Ian Veneracion sa industriya ng showbiz bilang isang action star. Marami na siyang nagawang pelikula na hinangaan ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta ngunit mas nakilala pa siya sa industriya ng showbiz nang magkatambalan niya si Jodie Sta Maria.

Sa pagkakataong ito, marami siyang naging proyekto at iba-ba ring magaganda at seksing babae ang kanyang nakakapareha. Hindi rin maiwasan ang pagkakaroon ng mga maiinit na eksena lalong lalo na kung love story ang kanyang proyekto. Ngunit hindi kaya nagseselos ang kanyang maybahay sa mga magagandang babaeng kanyang nakakapareha?

Ayon sa aktor, 25 taon na silang nagsasama ng kanyang asawa at hindi ito naging selosa dahil buo ang tiwala nito sakanya, at lubos itong ipinagmamalaki ng aktor. At kung magselos man ito ay hindi nito ipinapakita sa kanya.

Hindi rin maitatanggi ni Ian na punong-puno ng tukso na nakapaligid sa kanya kung saan lapitin siya ng mga babae at sanay na sanay na siya sa presensiya ng mga babae ngunit kailanman ay hindi niya naisip na lokohin ang kanyang asawa. Nagbiro rin ang aktor na wala umano siyang budget para magkaroon ng kabit dahil ang kanyang asawa ang humahawak ng kanilang perang pinagpaguran, maging kanilang mga negosyo. Mayroon rin silang construction business kung saan ang kanyang asawa rin ang humahawak.
Talagang kahanga-hanga ang isang lalaking kagaya ni Ian Veneracion na tunay ngang isang tapat at mapagmahal na asawa sa kabila ng mga tuksong nakapalibot sa kanya sa industriyang kanyang ginagalawan.