Enrique Gil Sinurpresa Ang Kasintahang Si Liza Soberano Sa Araw Ng Mga Puso: ‘You Are My World, My Everything’

Sino ba naman ang hindi kikiligin sa oras na nakatanggap ka ng pumpon ng rosas at mga matatamis na tsokolate sa araw ng mga puso.

Photo Credit: Liza Soberano Instagram




At mula man ito sa iyong kapamilya, kaibigan kakilala at sa kasintahan ang tunay na mahalaga ang nanggaling ito sa tunay na nagmamahal sa iyo.

Photo Credit: Liza Soberano Instagram

At para sa loveteam na LizQuen hindi nila pinalagpas ang pagkakataon na ipagdiwang ang araw ng mga puso na hindi napapakilig ang kanilang mga tagahanga. Sa set ng kasalukuyan nilang pinagtambalan na teleserye na ‘Make It With You’ ay personal na inaabot ng binata ang surpresa niya para sa kasintahan para sa araw ng mga puso.

Sa Instagram ng aktres ay ibinahagi niya ang larawan nila ni Enrique habang hawak hawak nila ang natanggap niyang dalawang malalaking bouquet ng blue at red na mga rosas.




Photo Credit: Liza Soberano Instagram
Photo Credit: Liza Soberano Instagram

“Everyday is Valentines day with you ❤️?”

Caption pa dito ng magandang dalaga.




Samantala, maging sa Instagram ni Enrique ay nagpaabot siya ng nakakakilig na mensahe para sa magandang kasintahan

Photo Credit: Enrique Gil Instagram

“You are my world, my everything. You are the reason why my life is amazing and never dull. Thank you for having a beautiful heart and loving me unconditionally. You’re my forever baby, I love you, Happy Valentines Love ❤️”

Mensahe pa nito.

Sa isang press conference ay inamin ni Liza na edad 17 pa lang siya ng maging magkasintahan sila ni Enrique at isa yun sa pinaka-mapangahas na desisyon na nagawa niya dahil hindi pa siya pinapahintulutan ng ama na pumasok sa isang relasyon.

Photo Credit: Enrique Gil Instagram

“I think the craziest that I wouldn’t have expected me to do kasi siyempre medyo 17 lang ako nung naging kami so pinaglaban ko ‘yung relationship namin. – Kasi bawal pa talaga ako mag-boyfriend noon pero matigas ‘yung ulo ko”

Pahayag pa niya sa nasabing press conference.




Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Enrique na talagang nagpapakatotoo lang siya sa mga magulang ng Kapamilya aktres.

Photo Credit: Enrique Gil Instagram

“Siyempre pinakita ko lang ‘yung sarili ko. I just presented myself. I’m not pretending [to be] anything and I think slowly enough they saw it naman”

Paglalahad pa ng binata.

Oktubre ng nakaraang taon ay nagcelebrate ang dalawa ng kanilang ika-5 anniversary bilang magkasintahan.




Ilang mga tagahanga ang nagpaabot ng masayang pagbati sa kanilang mga idolo.

“iamnorlika Tsar… buo na valentines namin ?❤️ parang may jowa narin kami hahahaha”

“joangural Sweet naman.. ❤️❤️??”

“g4lizzqu3n Naman ang aga! Not complaining though hahaha. ❤️❤️❤️”

“girliepajanustan Huhu..??SANA ALL sana Lahat….. ❤️?”

“zemalea Stay inLove ? nakakainlove at nakakainspire kayo ??”.