Dating Wowowee Dancer Na Si Luningning, Ibinahagi Ang Kanyang Magandang Buhay Matapos Iwan Ang Showbiz

Maraming talentadong personalidad sa industriya ng showbiz ang ating lubos na hinahangaan. May ilan sa kanila na pag-awit ang nais, ang iba naman ay pagsasayaw ang gustong gawin.

Sa pagsasayaw naman, may mga grupong nagtatanghal ngunit mayroong isa sa kanila ang talagang nangingibabaw kahit grupo pa man sila. Mga mananayaw na kahanga-hanga sa galing kung humataw pagdating sa dance floor.




Isa na rito ang kilalang napakagaling sa paghataw sa dance floor na si Lea Carla Santos o mas kilala bilang Luningning na dating miyembro ng ASF dancers sa programang Wowowee sa ABS-CBN noon.

Photo Credit: Lea Carla Santos Instagram

Napakagaling sumayaw ni Luningning kaya naman agad siyang nakilala sa programa at namayagpag ang kanyang pangalang Luningning na animoy nagniningning sa tuwing kumekembot at gumigiling sa saliw ng bawat musikang pinapatugtog. Nakilala rin siya sa kanyang cartwheel dance moves at sa kanyang nakakabilib na pag-split na talagang napapawow ang mga manonood.

Photo Credit: Lea Carla Santos Instagram

Ngunit ang kanyang kasikatan ay hindi nagtagal nang mawala ang programang nagbigay sa kanya ng kasikatan, kaya naman napagpasyahan na lamang ni Luningning na iwan ang mundo ng showbiz at mabuhay na lamang ng normal.

Photo Credit: Lea Carla Santos Instagram

Iniwan niya ang kanyang karera noong 2010, matapos ng kaganapang iyon ay wala ng naging balita sa dancer. Ngunit kamakailan lamang ng magbahagi siya sa kanyang Instagram ng mga larawan na nagpapakita ng kanyang masayang buhay ngayon.




Ayon sa dancer, isa na siyang business woman at kanyang pagmamay-ari umano ang Stardanz Fitness Studio. Dahil nga mahal na mahal ni Luningning ang kanyang pagsasayaw, napagdesisyuhan niyang magtayo na lang ng isang negosyo kung saan magagamit niya pa rin ang mga natutunan niya sa kanyang karera dati at nabuo nga ang Stardanz Fitness Studio.

Photo Credit: Lea Carla Santos Instagram

Ang kanyang fitness studio ay maraming serbisyong maaaring ibigay sa nais pumunta dito, kagaya na lamang ng mga ehersisyong ito: Aerial Silk, Kali Pole, Belly Dance, Stilletos, Jazz Dance, Hoops, Dance Fitness, at Pilates. Bukod sa magagamit niya ang kanyang hilig sa negosyong ito, marami rin siyang matutulungan upang mapanatili ang magandang figure ng kanyang nga customer sa fitness studio.

Bagamat masaya si Luningning sa kanyang napiling buhay ngayon, nananatili pa rin siyang single at wala pang nakikitang katuwang sa buhay. Maliban sa talentong taglay ni Luningning sa pagsayaw, hindi rin maitatanggi na napakaganda at sexy niya, kaya naman naitampok rin siya ng FHM magazine noong 2008.

Nagsimula siya sa pagsayaw sa murang edad kaya naman napakahusay niya talaga sa larangang ito. Nasubukan rin ng dancer na maging isang entertainer sa Japan.

Photo Credit: Lea Carla Santos Instagram




Photo Credit: Lea Carla Santos Instagram

Ang buhay ni Luningning ay isang inspirasyon sa mga kagaya niyang mananayaw na huwag tumigil at sumuko sa pag-abot ng mga pangarap. Dahil balang araw darating din ang tamang panahon upang mapagtagumpayan ang mga ito sa tulong narin ng sipag, tiyaga at determinasyon.