Ang mahusay na mang-aawit noong panahon ng 90’s na si Lindsay Custodio ay ibinahagi ang pribado niyang buhay sa Instragram.

Kanya itong ginawa upang maging updated ang kanyang mga tagahanga sa mga kaganapan ng kanyang buhay.
Matatandaan na si Lindsay ay isa sa mga naging cast ng “Ang TV” kung saan isang palabas na binubuo ng mga kabataan upang magbigay saya sa mga manonood sa ABS-CBN. Si Lindsay ay gumanap bilang isang mang-aawit sa nasabing palabas at nakasama rin niya ang ilang magagaling na artista at mang-aawit kagaya nina Roselle Nava, Jolina Magdangal at marami pang iba. Dahil sa galing ni Lindsay sa pag-awit ay nakilala at namayagpag siya noong 90’s.

Marami ang humahanga sa napakagandang boses ng singer kaya naman ang ilan ay talagang sinusubaybayan ang kanyang mga palabas. Ang taglay na boses ng singer ay talagang napakasarap sa pandinig dahil sa malambot at malambing nitong tinig.

Dahil sa galing at talentong taglay ni Lindsay sa pag-awit nagkaroon siya ng tatlong albums noon, ang mga ito ay MY First, Lindsay (New Horizons) at Sa Araw ng Pasko kung saan ay naging recording artist siya ng ABS-CBN. Mas lalo pa siyang nakilala sa mga kantang kanyang pinasikat na Malay mo at Tuksuhan na parehong nirelease ng taong 1997. Maliban sa pag-awit, hindi rin maikakaila ang galing niya sa pag-arte kaya naman nagkaroon rin siya role sa pelikulang D’Sisters at Nun of the Above.
Matapos ang kanyang matagumpay na karera sa showbiz, hindi nagtagal ay iniwan niya rin ito at mas piniling magpokus na lamang sa kanyang pamilya. Nagpaalam siya sa kanyang karera bilang artista at singer nang taong 2000, at sa parehong taon naman siya nagpakasal sa asawang si Julius Ceasar Platon II. Ang masayang pagsasama ng mag-asawa ay biniyayaan ng dalawang anak, ito ay sina Sean at Clarrise.

Napakahands-on umano ni Lindsay sa kanyang dalawang anak. Makikita sa isa niyang post sa Instagram ang masayang larawan kung saan magkakasama nilang ipinagdiwang ang kaarawan ng kanilang anak si Sean. Ngunit, ang masayang pamilya nilang ito ay natapos nang magkaroon ng isang malaking pagsubok sa buhay nila. Sa hindi inaasahang pangyayari, namatay ang kanyang asawang si Juluis nang atakihin ito sa puso sa edad na 43.

Naibahagi rin ng dating aktres at mang-aawit na wala siyang pinagsisisihan sa desisyon niyang iwan ang showbiz. Masaya umano siya dahil mamumuhay siya ng tahimik kasama ang kanyang pamilya. Ang kanyang asawa ay isang public servant kaya naman maging siya bilang asawa ay may responsibilidad at tungkulin ring dapat gampanan sa kumonidad.

Bagamat kanya nang iniwan ang mundo ng showbiz, nananatili paring bukas ang kanyang isipan sa oportunidad na darating para sa kanyang mga anak kung sakaling nais ng mga itong pasukin ang mundo ng showbiz.
Taon na ang nakalipas nang mamatay ang asawa ni Lindsay ngunit palagi pa rin siyang dumadalaw sa puntod nito. Ayon sa dating aktres, nagpapasalamat siya at nakilala niya ito. Makikita na talagang mahal na mahal ni Lindsay ang kanyang asawa dahil nagpost pa ito ng larawan ng sumapit ang 1st death anniversary nito.