Dating Sikat Na Seksi Aktres Na Si Bang Garcia Masusundan Na Ang Panganay Niyang Anak Na Babae

Sino bang mag-asawa ang hindi matutuwa sa muling pagkakaroon na bagong anak na bunga ng kanilang pagmamahalan.

Photo Credit: Bangs Garcia Instagram




At tunay ngang muli na namang mapupuno ng panibagong pagkakaabalahan ang mag-asawa kung paano nila iingatan at pangangalagaan ang kalusugan ng bata sa sinapupunan.

Photo Credit: Bangs Garcia Instagram

At para sa dating aktres na si Bang Garcia ay muli na naman niyang mararanasan ang hirap at ligaya ng pagdadalang-tao. Masasabing labis labis ang kasiyahang nadarama hindi lamang ng 2nd time mommy maging ang kanyang asawang si Lloyd Birchmore ay excited na sa muling pagbubuntis ng magandang aktres.

Photo Credit: Bangs Garcia Instagram




Sa kanyang Instagram account ay masaya niyang ibinahagi ang magandang balita sa kung saan ay nagpost pa siya ng larawan nilang magpapamilya. Makikita sa nasabing larawan habang masayang pinagmamasdan ng mag-asawa ang panganay nilang sa Amelia habang hawak nito ang resulta ng sonogram ng kanyang magiging ikalawang anak.

Photo Credit: Bangs Garcia Instagram

“The love in our family is tremendously growing as another bundle of joy is coming our way. Happy Valentine’s Day, Loves!!!❤️”

Pagcacaption pa dito ng aktres.

At sa isang post pa niya ay masaya din niyang ibinahagi ang litrato ng panganay niyang si Amelia na malapit ng maging isang ate.

Photo Credit: Bangs Garcia Instagram

“valeriebangsgarcia Officially promoted to “BIG SISTER” in July 2020! ?❤️??
@ameliagarciabirchmore”

Pahayag pa dito ng 32 taong gulang na aktres.




Sa kabilang banda, malaki ang pasasalamat niya sa asawang si Lloyd dahil sa pagiging supportive nito sa kanyang pagbubuntis na ayon pa sa aktres ay malaking naitulong sa kanya noong una siyang magbuntis.

Photo Credit: Bangs Garcia Instagram

“Thank God I have a very supportive husband who stayed with me all throughout my struggles. I kind of missed my family though when I was at the hospital, I would have loved to have my Mama go through all of those with me too, such a shame Philippines is too far away from UK”

Paglalahad pa ng ‘The Reunion’ aktres.

Photo Credit: Bangs Garcia Instagram




Sa kasalukuyan ay nasa ika-4 na buwan na si Bang sa kanyang pagdadalang-tao at inaasahang magsisilang sa darating na buwan ng July. Sa ngayon ay masayang naninirahan ang ‘Segunda Mano’ aktres kasama ang pamilya sa United Kingdom kung saan din niya ipinagbuntis at isinilang ang panganay niyang anak na si Amelia.