Maraming mga nabiyayaan ng pagkakataon na kuminang ang pangalan sa mundo ng showbiz ang bigla na lamang iniiwan ang kasikatan at pinipiling tahakin ang bagong yugto ng buhay malayo sa mundong minsan niyang kinabibilangan. At hindi maiwasan ng ilan na tanungin at kamustahin sila matapos na lisanin ang industriyang dating kinalalagyan.

At isa na nga dito ang dating sikat na batang aktor na si Stefano Mori na sumikat noong dekada 90. Nakilala ang galing ng batang aktor sa mga pelikulang ‘Ang TV Movie: The Adarna Adventure’ at ‘May Nagmamahal Sa Iyo’ kung saan pinarangalan siya bilang ‘Best New Actor noong taong 1996.

Samantala, hindi lang sa takilya nakilala ang galing ni Stefano bilang isang artista sa katunayan maging sa telebisyon ay hinangaan din ang husay niya sa pag-arte. Ilan sa mga pinagbidahan niyang proyekto sa telebisyon ay Flames, Marinella at G-Mik kung saan nakasama niya ang naging dating ka-loveteam sa telebslisyon na si Camille Pratts.

Sa kabilang banda, bukod sa pag-arte sa harap ng kamera nakilala din si Stefano ng maging bahagi siya ng boy band na ‘JCS’ kung saan nakasama niya ang mga kasamahan din sa programang “Ang TV” na sina John Pratts at Carlo Aquino. Nabuo ang all male group noong taong 1999 kung saan naging regular na napapanood ang tatlo sa Kapamilya network. Taong 2000 ng opisyal na narelease ng bandang JCS ang kanilang first entitled na album na “JCS”.

Sa hindi inaasahang pangyayari marami ang talagang nabigla ng magdesisyon ang batang aktor na tuluyan ng iwan ang industriya ng showbiz. Napa-ulat na nagpunta sa bansang Italy si Stefano upang doon na manirahan. At dahil sa biglaang niya pag-alis ay natuldukan na rin ang kasikatan ng bandang JCS.

At makalipas ang maraming taon ay muling napag-usapan ang dating aktor. Sa isang video na inupload ng ‘The Pinoy Channel’ sa kanilang YouTube ay makikita ang kasalukuyan pamumuhay ni Stefano.

Isa na pa lang matagumpay na negosyante ang ngayon ay 35 taong gulang ng dating aktor at nagmamay-ari siya ng isang kilalang Italian restaurant. Matatagpuan ang pagmamay-ari niyang ‘Casa Italia’ sa bayan ng Palawan maging sa ilang lugar sa Italya.

Marami talaga ang talagang napahanga ni Stefano sa angkin niyang husay noong mga panahon na aktibo pa siya sa showbiz at hindi maikakailang nais ng kanyang mga tagahanga na muli nila siyang mapanuod sa pinilakang tabing.