Dating Cast Ng “Ang TV” , Gio Alvarez May Sariling Pamilya Na Ngayon

Isa sa mga kinagiliwan ng publiko sa telebisyon “Ang TV” na isang comedy show na kung saan ay binubuo ng mga talentadong kabataan noong taong 1992.




Photo Credit: Google Image

Isa sa mga naging bahagi ng palabas na ito si Gio Alvarez na talagang nakitaan ng galing at talento sa pag-arte sa industriya.

Bata pa lamang siya nang magsimula sa industriya ng showbiz at marami na siyang mga proyektong ginawa kaya naman kilalang-kilala na siya noong taong 90’s. Naging bahagi rin siya grupong Guwapings, at nakasama niya rito sina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso, and Jomari Yllana na patok na patok at kinakiligan ng mga kababaihan noon. Nakasama niya rin ang ilang aktres na sina Jao Mapa, Claudine Baretto, Nikka Valencia, and Erika Fife. Ang magandang samahan nila noong 90’s ay hinangaan at kinagiliwan ng mga tagahanga at manonood.

Photo Credit: Google Image

Talaga nga namang naging maganda ang takbo ng karera ni Gio noon dahil bukod sa mga teen flicks na kanyang ginawa, naging bahagi rin siya ng sikat na comedy show na “Home Along Da Riles” na pinagbibidahan ng King of Comedy na si Dolphy. Gumanap si Gio sa palabas na ito bilang pangalawang anak ni Dophy, kung saan nakasama rin niya ang iba pang magagaling na artista gaya nina Nova Villa, Smokey Manoloto, Vandolph, Claudine Baretto.




Photo Credit: Google Image

Dahil talagang kahanga-hanga ang galing sa pag-arte ni Gio, marami pang mga dumating na proyekto sa kanya na kanyang ginampanan. Ngunit hindi nagtagal ay nagpasya siyang lisanin ang industriya ng showbiz.

Photo Credit: Google Image

Sa ngayon, si Gio ay isa nang ulirang ama ng kanyang limang anak sa edad na 43 taong gulang. Naging isang ama si Gio sa panganay niyang anak sa edad na 20 taong gulang. Ang kanyang apat na anak ay kasama niya ngayon ngunit ang kanyang panganay na si Kaylene ay masayang naninirahan sa US na ngayon ay 23 taong gulang na. Samantalang ang kanyang bunsong anak naman na si Matilda ay 7 buwang gulang pa lamang.

Photo Credit: Google Image

Si Matilda ay anak niya sa kasalukuyan niyang kinakasama na Jayvie Agojo na isang professional golfer. Ang magkapareha ay napaka-hands on sa kanilang baby kung saan sinisigurado nilang naibibigay nila ang lahat ng pangangailangan nito. Na talagang ipinapakita sa kanyang mahal na baby ang pag-aalaga at pagmamahal nila bilang mga magulang.

Photo Credit: Google Image

Talaga nga namang isa nang masayang ama si Gio dahil nahanap na niya ang kaligayahan sa simpleng buhay kasama ang kanyang pamilya. Ayon sa kanya, ang kanyang mga anak ay talagang mahal na mahal siya. Dagdag rin niya na kung sakaling pasukin ng kanyang mga anak ang industriya ng showbiz ay susuportahan niya ang mga ito. Ngunit bago sila pumasok sa langaran ng pag-arte ay kinakailangan munang matapos ang kanilang pag-aaral.




Photo Credit: Google Image

Tiyak na marami ang nakaabang sa kaganapang ito ng buhay ni Gio sa landas na tatahakin ng kanyang mga anak. Wala ring duda na namana ng mga ito ang kanyang galing at talento sa pag-arte.