Connect with us

Entertainment

Dating ‘Ang TV Star’ At Singer Na Si Lindsay Custodio Isinalaysay Ang Naging Buhay Malayo Sa Mundo Ng Showbiz

Published

on

“4:30 Na!, Ang Tv Na”, ito ang pamosong linya na sumikat noong dekada 90 mula sa youth oriented comedy variey show na umere sa Kapamilya network na ABS-CBN.

Photo Credit: Google Image

At talaga namang labis na kinagiliwan ang ang programa hindi lamang ng mga bata maging ng mga matatanda na tuwang tuwa sa tuwing bumibitaw ng makukulit na linya ang mga bidang bata.




At isa nga sa mga kabataang naging kabahagi ng Kapamilya show ay si Lindsay Custodio. Sa palabas ay madalas na mapapanuod si Lindsay na kumakanta at ilan pa sa kasama niyang kumakanta ay ang mga kilala rin na ngayon katulad ni Jolina Magdangal at Roselle Nava.

Photo Credit: Google Image

Samantala, mas naging makulay ang career ni Lindsay dahil sa taglay niyang magandang tinig matapos siyang kuhaning bilang isang recording artist ng Kapamilya network. Tatlong album ang naipagkatiwala sa dating child star una ay ang ‘My First’ na sinundan naman ng 2nd-album niyang ‘Lindsay: New Horizons’ at ang huli ay ang ‘Sa Araw Ng Pasko’.

Photo Credit: Lindsay Custodio Instagram

Ilan sa mga kanta niya ay talagang naging daan upang mas lalo pa siyang sumikat ito ay ang mga kantang ‘Malay Mo’ at ‘Tuksuhan’. Samantala, hindi lang sa pag-awit at sa telebisyon nakilala si Lindsay nagpamalas din siya ng angking galing sa takilya matapos mapasama siya sa mga pelikulang “D’Sisters” at “Nun Of The Above”.




Taong 2000 ng tuluyan na siyang magpaalam sa showbiz matapos niyang lumagay sa tahimik upang magkapamilya. Sa taong din yun ay nakipag-isang dibdib siya sa naging asawa na si Julius Caesar Platon II na isang kilalang public servant kung saan ay nabiyayaan sila ng dalawang anak.

Photo Credit: Lindsay Custodio Instagram

Photo Credit: Lindsay Custodio Instagram

Sa kabilang banda nasubok ang katatagan niya matapos ang biglaang pagpanaw ng asawang si Julius sa edad na 43 dahil sa atake sa puso. Ayon sa dating aktres ay wala siyang pagsisisi matapos niyang magdesisyon na iwanan ang showbiz upang magpokus sa kanyang pamilya. At malaki ang pasasalamat niya sa asawa noong ito ay nabubuhay pa dahil sa kanya ay naranasan niyang makatulong din sa kanyang kapwa.

Photo Credit: Lindsay Custodio Instagram




Samantala, hindi naman niya pinipigilan ang dalawang anak na si Sean at Charisse kung sakali man na gustuhin nilang pumasok din sa pag-aartista. Hindi naman niya itinago sa mga tagahanga ang bawat kaganapan sa kaniyang buhay sa katunayan ay bukas sa publiko ang kanyang Instagram account.

error: Content is protected !!