Daniel Padilla Napatakbo Dahil Sa Mga Nagkakagulong Mga Tagahanga Na Hindi Makapagpigil Na Makapagpalitrato Sa Kanya

Kaakibat na ng kasikatan ng isang artista ang hindi niya pagkakaroon ng tahimik na pribadong buhay dulot ng mga tagahanga na hindi magkamayaw upang personal na makamayan at makapagpalitrato kasama ang iniidolo.

Photo Credit: Daniel Padilla Instagram




At sa tuwing may pagkakataon na magpupunta sa pampublikong lugar ang idolong artista ay kaagad na dudumugin ito ng maraming tagahanga.

Photo Credit: Daniel Padilla Instagram

Ito ang naranasan kamakailan ng aktor na si Daniel Padilla matapos na bigla siyang mapatakbo palayo sa mga tagahanga na nagkagulo para lang makapagpalitrato kasama siya. Makikita sa isang maikling video ang nasabing insidente kung saan biglang kumaripas ng takbo ang gwapong binata. Kuha ito matapos ang shooting ni DJ sa pinakabagong proyekto niya na Whether the Weather is Fine kasama ang beteranang aktres at ABS-CBN executive na si Charo Santos-Concio.

Screenshot: Showbiz Insider PH Facebook Page




Screenshot: Showbiz Insider PH Facebook Page

Ayon sa isang tagahanga na naroon may kalaliman na rin ang gabi ng magpaunlak ang ‘King of Hearts’ na magpakuha ng litrato para sa mga tagahangang naghihintay. Kahit pagod at medyo masama na rin ang pakiramdam mula sa ilang araw na shooting ay nakiusap ang binatang aktor na magkaroon ng kaayusan para sa mga tagahangang nais na makapagpakuha ng larawan kasama siya.

Screenshot: Showbiz Insider PH Facebook Page

Marahil dahil na rin sa pagnanais ng mga tagahanga na makapagpakuha ng larawan ay hindi na naging maayos ang dapat sana ay simpleng picture taking lamang sa kanilang idolo. Dito na nagsimulang magkatulakan upang maunang magkaroon ng pagkakataon na makapagpalitrato sa kanilang idolo.




Makikita sa sumunod na bahagi ng video ang pangyayari kung saan biglang napatakbo ang ‘The Hows Of Us’ aktor palayo sa mga tagahanga. Mapapansin din ang isang babae na nagawang makahabol at nahawakan si Daniel ng malapitan.

Screenshot: Showbiz Insider PH Facebook Page

Ilang mga tagahanga ang nagpaabot ng simpatiya sa Kapamilya artist

“angelanthony Actually tumakbo si DJ dto para iwasan sila .. dhil sobrang pagod na sya at he’s not feeling well according to fans who’s also there.. SBI ni DJ mag papic nmn sya Basta wag lng magkagulo .. kelangan lng dw nya magpahinga.. kso Ayan si ate sumobra.. naintindihan ko dn si ate minsan lng nya mkita si DJ. Kso respeto nlng din Sana .. wlang pahinga si DJ.. deretso sched nya..”

“karel27168 Akala ko c kath ung babae hindi pala dpat po tyong mga fans be concervatives tayo sa mga artista tao rin po sila napapagod ingat dj ??”

“raraketera Omg… kahit ako magagalit, sana maintindihan nila na pagod ung tao. Tao lg po si Dj nanapagod din.. kaloka tong si ate girl sarap itulak ng malakas! E paano ang gwapo kasi talaga in person eh lol.”