Connect with us

Entertainment

Cristine Reyes At Asawang Ali Khatibi Unang Beses Na Magkasamang Ipinagdiwang Ang Kaarawan Ng Anak Nilang Si Amarah

Published

on

Para sa isang anak isang malaking kaligayahan para sa kanila ang maipagdiwang ang kanilang kaarawan at lalong mas nadodoble ang kasiyahan kapag kasama niya ang pinakaimportanteng tao sa kaniyang buhay.

Photo Credit: Google Image

At para sa anak ng aktres na si Cristine Reyes maaga niyang nacelebrate ang natatanging araw sa kaniyang buhay kasama ang mga magulang na labis na nagmamahal sa kanya.




Sa kabilang banda, medyo naging early celebration ang pagdiriwang ng kaarawan ng magandang bata dahil sa February 8 pa talaga ang tunay na petsa ng kanyang birthday at naisip na lang nilang agahan ang selebrasyon at isabay na lang din sa naging mismong araw ng binyag ni Amarah. Masasabing naging masaya ang birthday celebrant dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasama niya ang ina at ama sa espesyal na okasyon.

Photo Credit: Google Image

Sa Instagram account ng 31 na taong gulang na Kapamilya artist ay ibinahagi niya ang mga larawan kuha mula sa masayang event, “cristinereyes Happy Birthday Amarah ?????”, caption pa dito ng proud Mommy-actress.

Photo Credit Cristine Reyes Instagram

Photo Credit Cristine Reyes Instagram




Photo Credit Cristine Reyes Instagram

Photo Credit Cristine Reyes Instagram

Ika-8 ng Pebrero taong 2015 ng isilang ng aktres ang nag-iisang anak na babae sa noon ay kasintahan pa lamang na si Ali Khatibi. At kahit pa pre-matured pa ang batang si Amarah ng maipanganak ay nagawa ng aktres na maging maayos ang kalusugan nito.

Photo Credit: Google Image

Sa isang hiwalay na panayam sa kanya ay inamin niya ang hirap na pinagdaanan matapos niyang ipanganak si Amarah ng wala pa sa kabuwanan. Samantala inamin ng ‘Nang Ngumiti Ang Langit’ aktres na labis-labis ang pasasalamat niya sa pagdating ng anak.

Photo Credit: Cristine Reyes Instagram




Photo Credit: Cristine Reyes Instagram

“All I can say is I’m very happy. I don’t know kung paano ko i-express ang feeling ko towards my baby pero sobrang joy lang ang nararamdaman ko”

Pahayag pa niya dito.

Photo Credit: Ara Mina Instagram




Dinaluhan ang masayang event ng pamilya at ng malalapit na mga kaibigan ng mag-asawa. Naroroon din ang kapatid ng ‘Seven Sundays’ actress na si Ara Mina gayundin ang naging matalik nilang kaibigan na si Champ Lui Pio na naging daan upang magkakilala sina Cristine at Ali ay present sa naturang selebrasyon.

error: Content is protected !!