Celebrity Couple Na Sina Rochelle Pangilinan At Artur Solinap Ipinaghanda Ng Princess Snow White Themed Party Para Sa Unang Kaarawan Ng Anak Nilang Si Shiloh

Para sa isang magulang sobrang kaligayahan ang kanilang nararamdaman makita lang na nakangiti ang pinakamamahal na anak. At talagang gagawin nila ang lahat ng makakapagbibigay kasiyahan sa munting anghel na kumumpleto ng kanilang pamilya.

Photo Credit: Rochelle Pangilinan / Niceprintphoto Instagram


At para sa mag-asawang celebrity na sina Artur Solinap at Rochelle Pangilinan-Solinap masaya nilang ipinagdiwang ang kauna-unahang kaarawan ng kanilang unica hija na si baby shiloh. Nitong nakaraang Pebrero 24 ay ganap ng isang taon ang magandang bata at ipinaghanda nila ito ng isang snow white princess theme na party.

Photo Credit: Rochelle Pangilinan / Niceprintphoto Instagram

Sa Instagram ay nagbahagi ang dating miyembro ng sexbomb dancer ng isang throwback na larawan nilang magpapamilya bago pa ang kaarawan ng anak. Kuha ang larawan eksaktong isang taon na ang nakararaan.

Photo Credit: Rochelle Pangilinan

“Sadyang napakabilis ng panahon, bukas isang taon ka na ❤️”

caption pa dito ni Rochelle.


Samantala para sa celebrity couple dobleng kasiyahan ang kanilang naramdaman dahil hindi lang ang unang kaarawan ang kanilang ipinagdiwang dahil isinabay na rin nila ang dedication nito.

Photo Credit: Rochelle Pangilinan / Niceprintphoto Instagram

At matapos nga ang masayang selebrasyon ay ibinahagi ng proud mommy ang mga larawan kuha mula sa pagdiriwang ng kaarawan ni baby Shiloh Jayne.

“rochellepangilinan Last year Feb 24 2019, God has given us the best gift of life and it’s you, my baby girl. You are a blessing who have given me the identity ‘mother’. We love you soooo much! Excited na kong makita mo ang mga pictures na ito paglaki mo! Welcome to the Christian world and happy 1st birthday!!”

Photo Credit: Rochelle Pangilinan / Niceprintphoto Instagram


Photo Credit: Rochelle Pangilinan / Niceprintphoto Instagram

Ginanap ang princess themed birthday party at ang dedication ni baby Shiloh Jayne sa isang kilalang lugar sa lungsod ng Quezon City na Ayala Hills Estates na dinaluhan ng malalapit na kaibigan at pamilya nina Rochelle at Artur.

Photo Credit: Rochelle Pangilinan / Niceprintphoto Instagram


Photo Credit: Rochelle Pangilinan / Niceprintphoto Instagram

Naging matagumpay ang nasabing okasyon sa tulong ng Juan Carlo Caterer, Dream Stage Lights and Audio, Nice Print Photo, Print Divas, Honey Glaze, Your Crafty Mama, One Sweet Day, Octoboy, Tea Happy Milk Tea, Mr. Churros, Sossy Ball, Sorbelato, Arteegram, Printspace Mnl at Lucco Ph.