Bongga! Regalong Hermes Bag Ni Hayden Kho Kay Dr. Vicki Belo, Halaga Ng Isang Bahay

Si Maria Victoria Gonzalez Belo-Kho o mas kilala bilang Vicki Belo ay isang dermatologist at tv personality sa ating bansa.




Photo Credit: Vicki Belo Instagram

Siya rin ang may-ari ng Belo Medical Group. Dahil sa galing at kakayanan niya sa pagpapaganda ng mga artista, siya ang paboritong takbohan ng mga artista. Ang kanyang asawa naman ay si Hayden Kho kung saan may isa silang napakacute na anak na babae, si Scarlet Snow.

Screenshot: Vicki Belo Instagram Video

Kamakailan lamang nang ipagdiwang ni Dr. Vicki Belo ang kanyang 64th birthday noong January 25,2020 kung saan sinurpresa siya ng kanyang asawang si Hayden at ni Scarlet. Sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang ginawang pagsurpresa ng kanyang asawa at anak.

Screenshot: Vicki Belo Instagram Video

Ang kanyang anak na si Scarlet ay binigyan siya ng birthday card na may nakasulat na “I love you mommy, Happy birthday”, na ikinatuwa naman ni Dr. Vicki.




Matapos nito, ibinigay naman ni Scarlet ang isang orange box sa kanyang ina at pinagtulungan nilang buksan ang naturang box na supresa pala ng asawang si Hayden kay Dr. Vicki. Sa loob ng box ay isang “Touch Birkin”, na nakapa-rare at hindi biro ang halaga nito dahil nagkakahalaga ito ng $18,600 o P945,500 hanggang US$39,000 o P1.9M, depende sa size at leather na gagamitin sa paggawa ng bag. Nakakalula ang halaga ng bag dahil sa halagang iyon maaari ka nang makabili ng isang bungalow house dito sa Pilipinas.

Ang Touch Birkin ay isang napakagandang bag dahil gawa ito sa makintab at matte exotic leather kung saan may kombinasyon ang disenyo ng crocodile o alligator sa flaps, sangles, handles at clochette nito.

Screenshot: Vicki Belo Instagram Video

Samantala, habang vinivideo naman ni Hayden ang celebrant, tinanong niya ito kung nagustuhan ba ito ni Dr. Vicki, sumagot naman ito ng “I love it, daddy. It’s very pretty. It’s so cute. It’s so classy.”

Screenshot: Vicki Belo Instagram Video

Lubos naman ang pasasalamat ni Dr. Vicki sa natanggap na regalo mula sa kanyang asawa at anak na humalik pa sa mga ito.




Maliban sa ibinigay na regalo ni Hayden kay Dr. Vicki, ay naghandog rin ito ng isang napakasweet na mensahe para sa kanyang mahal na asawa sa kanyang Instagram.

Screenshot: Vicki Belo Instagram Video

He wrote

“Strong yet gentle. Fierce yet compassionate. Childlike yet wise. When she loves, she loves fully. She gives generously without expecting anything in return. She finds delight in the delight of others. She makes wishes and dreams come true. She’s extraordinary… and she’s my wife. I am honored. I thank our Lord for you, @victoria_belo. Happy birthday. I love you.”