Ang bahay ay isa sa mga importanteng materyal na bagay sa mundo sa buhay ng isang tao.

Sapagkat ang isang tahanan ang magsisilbing kanlungan ng isang pamilya, at dito sila’y magsasama-sama upang bumuo ng mga masasayang ala-ala. Ang bahay rin ang nagsisilbing inspirasyon upang magpatuloy sa pagsusumikap sa buhay.

Si Yasmien Kurdi – Soldevilla o mas kilala ng publiko bilang Yasmien Kurdi ay isang 30 taong gulang na singer-song writer at isa ring aktres. Una siyang nakilala sa reality-talent search ng GMA na Starstruck Season 1 kung saan napasama siya sa “Final Four” at tinanghal siyang first runner up. Binansagan rin siyang “Philippine’s Pop Sweetheart” sa ating bansa. Bukod sa pag-aartista, hindi rin niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral kaya naman nagtapos siya bilang Magna Cumlaude sa Arellano University sa kursong Bachelor of Arts in Political Science.

Ang kanyang buhay pag-ibig naman ay naging masaya at makulay rin. Noong taong 2013 ay ikinasal siya sa pilotong si Rey Soldevilla. Bago pa man sila ikinasal nang taong yun ay nagbunga na ang kanilang pagmamahalan at isinilang na niya ang anak na si Ayesha Zara noong November 22, 2012. Ang pangalang Ayesha Zara ay may kaluhugan, Ayesha na may ibig sabihin na “she who lives” o “womanly” sa Arabic Language samantalang ang Zara naman ay nangangahulugan ng “beautiful, bright, shining and brilliant” o “flower, blossom or beauty”.
Dahil sa taglay na talento ng aktres sa pag-arte sa industriya ng showbiz ay marami ang humahanga sa kanya. Bukod sa mahusay na artista, isa rin siyang mapagmahal at mabuting ilaw ng tahanan. Bunga ng kanyang pagsusumikap sa kanyang trabaho at sa tulong narin ng pagtutulungan nilang mag-asawa ay nakapagpundar sila ng isang magandang bahay. Ang bahay na ito ay kulay asul kung saan ito’y sorpresa nila sa kanilang anak na si Ayesha Zara.

Nang makita ng anak niyang si Ayesha ang asul na bahay ay agad itong nagustuhan ng bata at tinawag pa nitong “Elsa House” ang bahay dahil kakulay umano ito ni Elsa na paboritong character sa Frozen ng kanyang anak. Mula sa condo unit nila sa Taguig ay lumipat na sila sa kanilang bagong bahay na may dalawang palapag na malapit sa Muntinlupa City noong Abril 2018. Ang bahay rin na ito ay malapit sa airport kung saan nagtatrabaho ang kanyang asawa.


Ang kanilang dream house ay talagang napaka-elegante at napakaganda na may dalawang palapag at sinamahan pa ng kulay asul na pintura. Nagbahagi rin ang aktres ng mga larawan ng kanilang magarang tahanan at isa na rito ang larawan ng “blue couch” na napakagandang tingnan at naaayon talaga sa kanilang sala. Nais rin ni Yasmien na dito sila bumuo ng masayang ala-ala bilang isang pamilya kasama ang kanilang anak.
Maraming netizens ang bumilib at namangha sa kanilang maganda at eleganteng tahanan na bunga ng pagtutulungan at pagsusumikap nilang mag-asawa upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang anak. Sa kabila ng kasikatan ni Yasmien ay patuloy parin siyang nagsusumikap upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang anak at makatulong sa kanyang asawa.