Natural na lang sa mga kilalang personalidad ang magkaroon ng oras sa pagbabakasyon sa ibat-ibang lugar kasama ang mga mahal sa buhay.

Ngunit, higit na mas masaya ang bakasyon kung ang makakasama ay ang nagbibigay kulay sa iyong buhay pag-ibig. Na talagang mananamnam ang bawat sandali sa mga oras na magkasama.
Kagaya na lamang ng dalawang pusong nagmamahalan na sina Bianca Manalo at Sen. Sherwin “Win” Gatchalian na talagang ipinaramdam ang pagmamahal sa isat-isa nang sila’y magbakasyon sa napakaromantikong lugar ng Paris.

Sa Instagram ng “Ang Probinsyano” aktres na si Bianca, masaya niyang ibinahagi ang kuha ng magandang larawan nila ni Sen. Win, kung saan makikita ang napakagandang tanawin ng Eiffel Tower sa Paris, France. Hindi nila pinalagpas ang pagkakataong magkaroon ng isang magandang kuha ng litrato sa napakagandang lugar ng Paris, na ang naging background ay Eiffel Tower na simbolo ng mga pusong nagmamahalan at simbolo rin ng isang matatag na relasyon. Talaga nga namang buhay na buhay ang kanilang pag-iibigan sa napakaromantikong lugar na iyon na tila nakapose pa ng pagtatapos sa isang sayaw.
Kaya naman ang naturang larawan, at napakagandang tanawin ng Eiffel tower na naging saksi ng kanilang wagas na pagmamahalan ay kanyang nilakipan ng caption na:
“Save the last dance for me❤”

Matatandaan na kinumpirma ng beauty queen actress na si Bianca ang relasyon niya kay Sen. Win noong taong 2019 buwan ng Nobyembre sa kanyang Instagram. Na kung saan nagbahagi siya isang larawan na makikita na sila’y magkaholding-hands ng nasabing senador.
Nang maganap rin ang kanilang anniversary ay nagpost naman si Bianca sa Instagram patungkol sa kanilang selebrasyon bilang magkasintahan at kanya naman itong nilakipan ng sweet na caption na:
“Imagine being loved the way you love❤”

At dito na nga nagsimula ang kanyang patuloy na pagpopost ng kanilang mga larawan sa social media na kasama si Sen. Win.

Mayroon ring siyang larawang ibinahagi sa Instagram na kasama si Sen. Win na nagpapakita noong naganap ang Sea Games noong nakaraang taon.

Matatandaan na naging usap-usapan ang relasyon ng dalawa noong Nobyembre taong 2018 matapos silang makitang magkasama sa isang event ng nasabing buwan.