Bea Alonzo, Naghandog Ng Isang Baby Shower Para Sa Fiancee Ng Kanyang Kapatid

Maituturing na isang biyaya ang pagdating ng bagong miyembro ng pamilya, kaya naman may mga pamilya na talagang pinaghahandaan ang pagdating ng kanilang mahal na anghel.

Photo Credit: Bea Alonzo Instagram




Ang baby shower ay isang selebrasyong ginagawa upang pasalamatan ang biyayang dumating sa pamilya at upang magkaroon na rin ng ideya ang magiging magulang ng bata sa kanilang paghahanda sa panibagong yugto ng buhay na kanilang haharapin.

Photo Credit: Bea Alonzo Instagram

Pinatunayan ng aktres na si Bea Alonzo kung gaano niya kamahal ang kanyang kapatid na si James Carlos at ipinakita niya ang kanyang lubos na pagsuporta sa mga desisyon nito sa buhay.




Ngayon nga ay nalalapit na itong magkaroon ng sariling pamilya dahil ang kasintahan nito na si Thalia na anak ni Bayani Agbayani ay nagdadalang-tao na. Kaya naman naglaan ng oras ang aktres upang ipaghanda ng isang Baby shower ang kanyang soon to be sister-in-law.

Photo Credit: Bea Alonzo Instagram

Sa Instagram Account ni Bea, ibinahagi niya ang naganap na baby shower na ginawa niya para sa fiancee ng kanyang kapatid. Makikita sa aktres ang excitement at saya sa panibagong yugto sa buhay na kahaharapin ng kanyang kapatid. Lalo na ang nalalapit na pagdating na kanyang pamangkin ay talagang nagbigay ng saya sa aktres.

Photo Credit: Bea Alonzo Instagram




Ito ang naging caption ng aktres na kanyang Instagram post:

“So, yesterday was a special day for our family. I threw a baby shower for my sister, Thalia. It was a beautiful celebration. Our family, friends and loved ones just all wanted to shower this future mama with all the love that she deserves!”

“Congratulations James and Thalia! Your journey as parents will soon begin, and I know you two will do a very good job raising my nephew. We are all very excited!”

Photo Credit: Bea Alonzo Instagram




Nagbahagi rin ang aktres ng mga larawan ng naturang selebrasyon kung saan may nautical theme ito. Kasabay ng masayang selebrasyon ay ang gender reveal ng dinadala ni Thalia, kung saan dinadala niya sa kanyang sinapupuan ang isang sanggol na lalaki.

Photo Credit: Bea Alonzo Instagram
Photo Credit: Bea Alonzo Instagram

Lahat ng miyembro ng pamilya ni Bea ay naroon sa naturang selebrasyon, maging ang pamilya ni Thalia kasama ang kanyang amang si Bayani Agbayani ay ipinakita rin ang pagsuporta at pagmamahal sa kanyang anak at excited narin na nalalapit na pagdating ng kanyang apo.




Si Thalia at James ay na-engaged noong October 2019 sa isang private family dinner na naganap noong ika-32nd birthday ni Bea.