Balikan: Mga Sweet Na Litrato Ng Celebrity Couple Na Sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli Sa Isang Kasalan

Wala na sigurong mas tatamis para sa dalawang taong nagmamahalan sa bawat sandaling nakakasama nila ang isa’t isa.

Photo Credit: Matteo Guidicelli Instagram




At talagang lulubusin nila ang pagkakataon na maipakita ang damdamin na kanilang nadarama sa bawat isa.

At para sa celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli muli nilang ipinamalas ang namumukod tanging pag-iibigan nila sa isa’t isa ng magkasama silang dumalo sa isang kasalan.

Kinuhang abay ang gwapong aktor ng kaibigang ikakasal na si Aries na vocalist ng
bandang MP3. Si Aries ang itinanghal bilang grand finalist ng Season 4 ng reality talent search show na Pilipinas Got Talent. Ikinasal ang singer songwriter sa kasintahang si Mia.

Photo Credit: Google Image




Nangyari ang engrandeng okasyon sa isang kilalang event place sa lungsod ng Quezon City na dinaluhan ng mga pamilya at malalapit na kaibigan ng groom at bride. Present din sa nasabing event kasal si KZ Tandingan at ang boyfriend nitong si TJ Monterde.

Photo Credit: Google Image

Sa Instagram nila Sarah at Matteo inupload nila ang mga sweet na larawan na kuha mula sa masayang okasyon. Ilan naman sa mga litrato ng dalawa ay makikita ang nakakakilig na mga sandali ng celebrity couple.

Photo Credit: Google Image




Samantala, maituturing naman na pinaka-main event ng engrandeng okasyon ng magduet sina Matteo at ng singer na si KZ Tandingan sa sikat na OPM song na ‘Forevermore’.

Sa isang video na naibahagi sa Instagram ay inupload ang special number nina Matteo at KZ para sa mga bagong kasal.

Photo Credit: Google Image

“Matteo and KZ performing Forevermore here at Aries and Mia’s wedding. Sara G is at the opposite side cheering”

Caption pa sa naturang video.

Sa kabilang banda, marami ang labis na kinilig sa bahagi ng performance ng dalawa noong mabanggit ang linya na “You’re all I need to be with forevermore,” kung saan napasulyap si Matteo kung saan banda nakaupo ang magandang singer.