Bagong Kasal Na Matteo At Sarah, Masayang Dumalo Sa Pribadong Dinner Kasama Ang Mag-asawang Judy Ann At Ryan Agoncillo

Kamakailan nga nang mapabalita ang pag-iisang dibdib ng dalawang pusong nagmamahalan na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli noong araw ng Huwebes, February 20 na kung saan ay idinaos ang isang secret civil wedding na ginanap sa Shrangri-la Hotel sa Bonifacio Global City.

Photo Credit: Google Image




Ngunit, hindi naging madali sa dalawa ang kanilang pinagdaanan upang maituloy ang kasal, kaya naman may ilang mga malalapit na kaibigan sa industriya ng showbiz ang ipinakita ang pagmamahal at pagsuporta kina Matteo at Sarah.

Photo Credit: Google Image

Kagaya na lamang ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na naghanda pa ng isang pribadong barbeque dinner para sa bagong kasal na sina Matteo at Sarah bilang selebrasyon sa kanilang naganap na pag-iisang dibdib.

Photo Credit: Google Image




Makikita sa Instagram post na ibinahagi ng isa sa mga kaibigan ng bagong kasal na si Bianca Rufino na daughter-inlaw ng Viva Executie na si June Rufino, ang mga kaganapan sa naturang private dinner na naganap noong Linggo, February 23.

Photo Credit: Bianca Rufino Instagram

Nilakipan ito ng caption na “Celebrating life [heart emoji] Thank you for the yummy backyard bbq feast @officialjuday @ryan_agoncillo & cutie Agoncillo babies. [heart emoji] Congratulations again @justsarahgph @matteog ! [flower bouquets emojis] Nothing but love [heart emoji] #ashmatt strong”

Makikita sa larawan na masayang nakangiti ang bagong kasal na sina Matteo at Sarah na talagang sweet na sweet sa isat-isat habang mahigpit na magkaholding hands. Makikita rin na tanging sina Matteo at Sarah lang ang nakaupo samantalang ang lahat ay nakatayo na. Kasama rin sa larawan ang mga anak nina Judy Ann at Ryan na sina Yohan, Lucho at Luna.




Hindi tiyak kung may alam ang mag-asawang Judy Ann at Ryan sa naganap na secret civil wedding ng dalawa ngunit ayon sa naisulat ng PEP Troika, noong mismong araw ng kasal nina Sarah at Matteo ay nagpahatid ng maikling mensahe ang mga ito sa pamamagitan ng video para sa napapabalitang kasal nina Sarah at Matteo.

Sabi ni Juday sa naturang video: “Ano na’ng nangyari? Basta ako, naghihintay lang ako, beh, ha!
“Mahina na ba signal mo? Basta, text-text, naghihintay lang kami rito!”
Sabi naman ni Ryan: “O brad, kita tayo! Basta ang invite, ha!!!”

Photo Credit: Google Image

Samantala, matapos maganap ang kanilang secret civil wedding ay agad namang bumalik sa kanyang trabaho si Sarah na kung saan ay nag-taping ng reality-singing competition sa ABS-CBN na The Voice Teens noong February 24, araw ng Lunes.

Maging ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid ay ipinakita rin ang suporta sa dalawang bagong kasal na kung saan ay nakitang bumisita sa set ng The Voice.

Photo Credit: Carlo Yanesa Tweeter




Sa ngayon nga ay masaya na ang singer na si Sarah, na ngayon ay ganap ng Mrs. Guidicelli matapos ang kontrobersyal ng kanilang kasal nila ni Matteo noong Huwebes.

Tunay nga na napakamakapangyarihan ng pag-ibig na talagang nagtagumpay dahil ipinaglaban nina Sarah at Matteo ang kanilang pagmamahalan.