Babaeng Nagtitinda Ng Bibingka, Nagviral Dahil Umano Sa Kanyang Taglay Na Kagandahan, Nais Ring Maging Pulis

Kadalasan, ang mga dalaga na may magagandang mukha ay makikita nating sumasali sa mga beauty contest upang makatulong sa pamilya.

Photo Credit: Darkroom Cebu Facebook Page




Ngunit, may ilan naman na talagang naghahanap buhay sa paraan na hindi ginagamit ang taglay na ganda, sa halip ay nagkakaroon ng tamang diskarte sa buhay upang makatulong sa pamilya.

Photo Credit: Darkroom Cebu Facebook Page

Kagaya na lamang ng 17 taong gulang na nagtitinda ng bibingka na nag-viral at hinangaaan ng marami dahil sa kanyang napakagandang mukha. Bukod sa maganda, ay talagang marunong ding dumiskarte sa buhay ang dilag na ito. Maraming netizens ang humanga sa magandang mukha ng dalaga, ngunit mas lalo pa silang humanga nang malaman nilang nais rin umano nitong maging pulis at mapabilang sa Philippine National Police (PNP).

Ang maabilidad at napakagandang dilag na ito ay nag-ngangalang Cristy Cuizon. Si Cristy ay masipag na nagtitinda ng bibingka sa isang stall na pagmamay-ari ng pamilya na malapit sa gymnasium sa Barangay Taboc na matatagpuan sa Danao City sa Cebu. Ang pagtitinda ng bibingka ang pangunahing kabuhayan ng kanilang pamilya, kaya naman masikap niyang tinutulungan ang kanyang inang si Manilyn at Lola Jocelyn sa pagtitinda upang kumita ng pera. Nagsimula siyang matutong matinda ng bibingka sa edad na 7 taong gulang lamang.

Photo Credit: Darkroom Cebu Facebook Page

At hanggang sa nadiskubre nga siya ng isang photographer na si Clark Laurent Dumon at isa sa mga administrator ng Darkroom Cebu page kung saan dito inuulat ang mga kaganapan sa Cebu sa araw-araw o ang tinatawag na Cebu Daily News.




Ayon kay Clark, si Cristy umano ay tinutulungan ang ina nito sa pagtitinda ng bibingka malapit sa lugar kung saan ginanap ang motocross event. Nang mapansin ni Clark at kanyang mga kaibigan ang magandang dilag na nagtitinda ng bibingka ay agad niya itong kinunan ng mga larawan. Na kanya namang pinost sa page ng Darkroom Cebu. Dahil talaga nga namang napakaganda ni Cristy, marami ang humanga sa kanyang larawan at agad nag-viral ito na tinawag pang “Bibingka Girl”. Maging ang admin ng naturang page ay lubos ring humanga sa taglay na ganda ng dalaga at kanila pa itong binansagan ng “Babebingka”.

Photo Credit: Darkroom Cebu Facebook Page

Ngunit, maliban sa pagiging maganda ay sadyang madiskarte at masipag rin ni Cristy. Sa katunayan, ay nag-aaral pa siya habang siya ay nagtitinda ng bibingka. Sa kasalukuyan ay nasa Grade 10 na siya at nag-aaral sa DT Durano Memorial Integrated School sa Danao City. Masaya niyang tinutulungan ang kanyang pamilya upang kumita ng pera sa mga bakanteng oras niya sa paaralan para magtinda ng bibingka. Dahil narin hindi siya gaanong nakakalabas kasama ang mga kaibigan, pumupunta na lamang siya sa kanilang bibingka stall para magtinda upang makatulong sa pamilya.

“Usually when I sell, my friends come and help me out and this has become our sort of bonding, not just with my friends but also with my family”

Pahayag ni Cristy sa Cebu Daily News.

Marami rin ang humanga sa napakagandang dalaga nang malaman na nais rin nitong maging pulis upang matulungan at maprotektahan ang kanyang pamilya at kumonidad. May ilan namang nagsabi na ang magandang babae na tulad niya ay mas bagay umanong maging isang modelo o beauty queen.

“I want to help my family and others. I’m not scared to be a police officer. I want to protect my community!”

Matapang na pahayag ng dalaga.




Kahanga-hanga naman talaga si Cristy, hindi lang maganda kundi madiskarte pa sa buhay at napakasipag na talagang nakakatulong sa kanyang pamilya kahit pa siya ay nag-aaral.