Pagdating sa mga pagkaing Pinoy ay talagang napakarami ang pasok sa listahan na sadyang napakasarap sa ating panlasa.

Ngunit kung pagkaing pinoy na swak na swak sa ating budget ang pag-uusapan, nangunguna diyan ang street foods. Talaga nga namang tatak pinoy ang street foods gaya ng tusok-tusok na kalimitan nating matatagpuan sa mga gilid ng kalye.

Ang street foods gaya ng tusok-tusok ay patok na patok sa ating mga Pinoy na talagang tinatangkilik dahil sa bukod sa masarap ay pasok na pasok rin ito sa budget. Ang ilan sa mga street foods ay fishball, kikiam, isaw, barbeque at marami pang iba. Talaga nga namang hindi mo mararamdaman ang pagkabutas ng iyong bulsa dahil napakamura ng halaga ng bawat pagkain at talagang makakatipid ka rito.


Kung street foods lang naman ang pag-uusapan, hindi diyan magpapahuli ang Kapamilya Singer na si Angeline Quinto. Dahil naging napakalaking bahagi ng buhay niya ang street foods. Malayo na ang narating na tagumpay ng mang-aawit ngayon sa kanyang karera at patuloy pa itong namamayagpag ngunit bago pa man siya magsimula sa kanyang karera ay naging bahagi ng buhay niya ang pagtitinda ng streetfoods.


Kaya naman bilang pagbabalik tanaw sa kanyang masayang karanasan, gumawa siya ng bagong vlog kung saan ang laman ay pagbebenta ng street foods na kanyang pinamagatang “Isang araw ng paglalako”. Makikita sa video na masayang nagtitinda si Angeline ng street foods kagaya ng barbeque, isaw, balut at palamig.


Kahanga-hanga ang ipinakitang husay at sipag ni Angeline sa pagbebenta ng mga street foods. Bagamat malayo na ang kanyang narating na tagumpay, nakakatuwang isipin na hindi parin niya nalilimutan ang kanyang pinagmulan. Kaya ang isang araw na paglalako na kanyang ginawa ay makikita na talagang kayang-kaya niya paring magtinda at maglako kung saan nagpapatunay na talagang napakasimple at wala siyang arte sa kanyang pamumuhay ngayon.


Ang pinamalas na husay at sipag ni Angeline sa pagbebenta ng street foods ay kinagiliwan at nagpabilib sa mga netizens at nagpahayag pa ng kanilang mga papuri sa singer.
“? humahanga ako sa marunung lumingon sa pinanggalingan..#Wow..childhood moments..#God bless po”
“Thumbs up ako sa mga taong marunong lumingon sa pinanggalingan kahit na umangat na sa buhay. Stay kind, Angeline!”
“Alam na alam mo ang tao na nagmula sa pagtitinda ng street food. Parang may master’s degree kasi expert sa pag-iihaw at pagpadyak ng tricycle.”
“Love it! Ganyan siya ka simple. Hindi ma-arte ang idol namin.”
“lodi nice one,ito ang ideal mging asawa wlang k arte arte… Mbait kalog at ang ganda ng mga movie nya nkakatawa sya”
Street Foods