Aktres Na Si KC Concepcion Binigyan Ng Bahay At Lupa Ang Nag-alaga Sa Kanya Noong Maliit Pa Lamang Siya

“You changed my life without even trying, and I don’t think I could ever tell you how much you mean to me. I can’t imagine what things would be like if I hadn’t met you.” —Steve Maraboli

Photo Credit: Google Image




May mga taong na ating nakikilala na malaki ang gagampanan na bahagi sa ating buhay. At masasabing malaking bahagi ng ating pagkatao ay nahubog ng dahil sa tulong at suporta nila.

Photo Credit: Kc Concepcion Instagram

Para sa aktres na si KC Concepcion malaki ang pasasalamat niya sa taong nag-alaga sa kanya noong maliit pa siya na si Nanay Lina. At para sa magandang dalaga higit pa sa isang tagapag-alaga ang naging trato niya dito bagkus itinuring na rin niya ito na kanyang pangalawang ina.

Photo Credit: Kc Concepcion Instagram




Mula pa noong maliit ang ngayon ay dalagang anak na ni Sharon Cuneta ay si Nanay Lina na talaga ang madalas niyang nakakasama at nag-aalaga sa kanya. At ayon pa kay KC dahil sa dedikasyon at pagmamahal ng mabait na kasambahay hindi lamang sa kanya kundi maging sa kanyang buong sambahayan ay hindi na nito nagawa pang magkaroon ng sarili din niyang pamilya.

Samantala, marami ang humanga sa ginawa ng taong gulang na aktres matapos niyang bigyan ito ng sariling lupa at ipagpatayo pa ng bahay. At para kay KC ito lang ang maari niyang maipagkaloob sa bukod tanging tao na nag-aruga at nagmahal hindi lamang sa kanya maging sa buo niyang pamilya.

Photo Credit: Google Image




Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang mensahe ng pasasalamat sa walang katulad na pag-aalaga sa kanya ni Nanay Lina noong maliit pa siya.

“I choose our childhood nanny Nanay Lina as a #NeverFade Filipina, because of her heart of service she cared for me as a baby, would watch over me as my mother worked, and would hide my secrets (and midnight snacks) as a child… lol. As I got older, she would look forward to watching my movies and tv series, and has a big smile every time she’s near me… Upto this day her handwritten cards touch me so much, and so do the tears in her eyes whenever she sees me again after a long time ❤️ It’s rare to have that kind of love. She devoted her life to our family and today I want to recognize her for #Downy as a way of saying THANK YOU for the unconditional love and heartfelt service she’s given us all these years. ? Such a gem! || ?⭐⭐⭐”

Madamdaming caption pa dito ng dalagang aktres.

Photo Credit: Google Image

Isang short video clip ay maririnig si Nanay Lina nagsasabi na mula sa kanyang alagang si KC ang bagong lupa at bahay ,”Binigyan ako ng bahay niyan”, sabi pa nito.

Tunay na naging mapalad sina KC Concepcion at Nanay Lina sa pagkakatagpo nila sa isa’t isa.