Aktres Na Si Bea Alonzo Binigyan Ng ‘Baby Shower’ Ang Babaeng Anak Ni Bayani Agbayani

Para sa isang babae isang malaking katuparan sa kanyang buhay ang magkaroon ng anak sa lalaking kanyang pinakamamahal.

Photo Credit: Bea Alonzo / NicePrintPhoto Instagram




Kasabay nito ang pangako na mamahalin nila ang pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya sa hirap man at maging sa ginhawa.

Photo Credit: Bea Alonzo / NicePrintPhoto Instagram
Photo Credit: Bea Alonzo / NicePrintPhoto Instagram




Samantala, hindi lang naman talaga ang soon to be mommy at daddy ang excited para sa pagdating ng kanilang magiging anak gayundin ang malalapit na tao sa kanilang mga buhay. At kasabay ng hiling nila na maging maayos sana ang pagbubuntis ng mahal nila sa buhay at maging sa pagsilang ng munting anghel ay ang katuwaan na maipagdiwang ng buong pamilya ang masayang kaganapan.

Photo Credit: Bea Alonzo / NicePrintPhoto Instagram
Photo Credit: Bea Alonzo / NicePrintPhoto Instagram




At para sa nalalapit na pagiging lolo ng komedyanteng si Bayani Agbayani sa anak niyang babae na si Thalia at pagiging loving tita naman ng aktres na si Bea Alonzo sa kanyang kapatid na lalaking si James ay ipinagdiwang nila ang isang magandang balita na dumating sa kanilang pamilya. Napagpasiyahan ng Kapamilya aktres na personal na bigyan ng isang masayang baby shower ang magiging soon to be sister-in-law.

Photo Credit: Bea Alonzo / NicePrintPhoto Instagram

Sa Instagram ng Kapamilya aktres ay ipinaabot niya ang mensahe sa mga soon to be parents na sina Thalia at James.

Photo Credit: Bea Alonzo / NicePrintPhoto Instagram




“Yesterday was a special day for our family. I threw a baby shower for my sister, Thalia. It was a beautiful celebration. Our family, friends and loved ones just all wanted to shower this future mama with all the love that she deserves! Congratulations James and Thalia! Your journey as parents will soon begin, and I know you two will do a very good job raising my nephew. We are all very excited!”

Caption pa dito ni Bea.

Photo Credit: Bea Alonzo / NicePrintPhoto Instagram
Photo Credit: Bea Alonzo / NicePrintPhoto Instagram




Sa kabilang banda, ang nasabing masayang pagdiriwang ay dinaluhan ng malalapit na pamilya at mga kaibigan. Nitong nakaraang taon lang ng magpropose na si James sa kasintahang si Thalia at ngayon naman ay haharapin nila ang isa pang panibagong yugto ng kanilang buhay ang maging isang magulang. Sina Thalia at James ay nag-eexpect ng isang baby boy.