Aktres Na Si Andi Eigenmann Ipinasilip Ang Buhay Niya Sa Probinsiya Malayo Sa Kabihasnan

Mga magagandang tanawin, maaliwalas na kapaligiran, sariwang pagkain at simpleng pamumuhay ilan lang ito sa mga alok ng pamumuhay sa probinsiya. At tunay ngang masasabi na malayo talaga ang pamumuhay sa kabihasnan at probinsiya.

Photo Credit: Andi Eigenmann Instagram




Ito ang masayang nararanasan ngayon ng aktres na si Andi Eigenmann matapos piliin ang pamumuhay sa probinsiya malayo sa siyudad. At talaga naman masasabing masaya ang aktres sa malaking desisyon na kanyang ginawa ang makasama ang kanyang mahal na pamilya malayo sa siyudad at kabihasnan.

Photo Credit: Andi Eigenmann Instagram

Sa kasalukuyan ay kapiling ng aktres ang asawang si Philmar Alipayo at dalawang anak na sina . At palagi niyang inuupdate ang mga bagong kaganapan sa pamumuhay nilang magpapamilya sa magagandang tanawin sa kanilang probinsiya sa bayan ng Siargao.

Screenshot: Andi Eigenmann Youtube Channel
Screenshot: Andi Eigenmann Youtube Channel




Screenshot: Andi Eigenmann Youtube Channel

Sa isang video na inupload niya sa kanyang YouTube channel na tinawag niyang fish mukbang ay makikita ang simple ngunit masayang pamumuhay nilang mag-asawa at ayon pa sa video ng aktres ay masaya sila na may mga kapitbahay sila na mangingisda na nakakasama nila sa paghahanap ng kakaining isda. Sa naturang video ay mapapanuod na naglilinis na ng sariwang isda ang asawa ni Andi na si Philmar at pagkatapos ay ito na rin ang naghanda upang mailuto ang mga sariwang isda. Makikitang masayang masaya at sarap na sarap na kumain ang dalawa at hindi pinapansin ang malakas na buhos ng ulan.

Screenshot: Andi Eigenmann Youtube Channel




Screenshot: Andi Eigenmann Youtube Channel
Screenshot: Andi Eigenmann Youtube Channel
Screenshot: Andi Eigenmann Youtube Channel

Ilang mga netizen ang humanga sa aktres dahil sa pinili nitong simple pamumuhay.

“Brent Francis – YUNG HINDI LAHAT TUMITINGIN SA ITSURA THEN ETO ? PINAKA DABEST ? SANA MARAMI PANG GANTO NA BABAE ??”

“Juvie Grace Torres – Nakakamiss ganyan lutoan sa probinsiya??”

“XIAMI XIAMI – namimiss ko kumain ng isda sa isla namin, yung fish na fave mo that’s also my fave pero samin its called Sungayan, bat ba ngayon ko lang nadiscover yt channel mo ??youre living my dreams so much”

“Kat Louise – Grabe tong mukbang na to nakakagutom! ??? nkakamiss ang inihaw na isda, talaba, tapos lato (grape seaweeds) may terno kamatis at bagoong isda na may calamansi. Ay grabe. ??? #islandlife

“marco mora – i love this artist hindi ko sia idol nung artista pa sia pero ngayun ur my favorite”.