43-taong Gulang Na Ina, Palagi Raw Napapagkamalang Kapatid Lang Siya Ng Kanyang Anak?

Marami sa mga kababaihan ang naghahangad na mapanatili ang kabataan at magandang pisikal na kaanyuan.

Photo Credit: Joleen Diaz Instagram




Ngunit, hindi natin mapigilan ang bagay na ito dahil darating ang oras at panahon kung saan tayo’y tatanda at kukulubot ang ating mga balat. Pero may mga tao talaga na sadyang inaalagaan ang kanilang sarili upang mapanatiling bata at fit ang katawan.

Photo Credit: Joleen Diaz Instagram

Kagaya na lamang ng 43-taong gulang na si Joleen Diaz na palagi raw napapagkamalang kapatid siya ng kanyang dalagang anak. Sinong mag-aakala na ang dalawang magagandang babae na ito na parehong fit ang katawan ay mag-ina pala?

Photo Credit: Joleen Diaz Instagram

Ayon kay Joleen, natatawa siya sa tuwing iniisip ng ibang tao na kapatid lamang niya ang kanyang anak na si Meilani Parks, 19 taong gulang. Mahilig umano si Joleen sa mga kasuotan na isinuot rin ng mga dalagang tulad ng kanyang anak kagaya na lamang ng cropped tops at tattered pants. Maliban sa maganda at batang hitsura niyang ito, ay talaga nga namang hindi rin maitatago ang pagka-cool nito dahil sa taste ng pananamit na sumasabay sa uso.




Talaga nga namang batang tingnan at maganda si Joleen na sa katunayan kung hindi lalagyan ng label ang larawan ay talagang mahihirapan ang sinumang tukuyin kung sino sa dalawa ang ina at ang anak.

Photo Credit: Joleen Diaz Instagram

Ngunit ang mga mapanuring mata ng mga netizens ay nagtagumpay at tamang natukoy kung sino nga ang ina at anak sa dalawang magagandang babae. May ilang netizens ang nakapansin ng signs of aging sa magandang mukha ni Joleen, mapapansin rin ang wrinkles nito sa mukha. Samantalang natukoy naman nila na ang batang Meilani ang siyang naka-pout ang lips na kung saan ay kalimitang ginagawa ng mga dalaga sa kanyang henerasyon.

Photo Credit: Joleen Diaz Instagram

Kaya naman, ang babae na may itim na buhok ay matutukoy na si Joleen, samantalang ang nagtataglay naman ng buhok na blonde ay si Meilani.




Samantala, ang elementary teacher na si Joleen na maraming tagahanga sa kanyang Instagram na may 80,000 followers ay talagang nagmumukhang modelo dahil sadyang inaalagan nito ang kanyang kalusugan upang mapanatiling fit at sexy ang katawan. Namumuhay siya ng may healthy life style sa tulong na rin ng tamang pag-eehersisyo, maliban dito hindi rin siya nagpapabaya sa kanyang mukha kung saan gumagamit siya ng sunscreen at may Vitamin A pa upang mapanatiling bata ang kanyang sarili.

Photo Credit: Joleen Diaz Instagram

Bagamat batang tingnan at maganda si Joleen, ay hindi umano siya lumalabas kasama ang anak na si Meilani upang gumimik at pumunta sa mga club. Ayon kay Joleen, hinahayaan niya lamang umano ang kanyang anak na magsaya kasama ang mga kaibigan nito at binibigyan niya ito ng sapat na oras upang mag-enjoy sa mga nais gawin sa buhay.

“Meilani and I have never gone clubbing or partying together and I don’t foresee us doing that anytime in the near future”

Pahayag ni Joleen.

Photo Credit: Joleen Diaz Instagram




Kahit hindi sila magkasamang gumimik ay may oras naman sila para sa kanilang bonding moments bilang mag-ina. Sa katunayan, nagbabakasyon silang magkasama, magkasama ring mag-jogging at higit sa lahat masaya nilang ini-enjoy ang bawat oras na magkasama sila kung saan mas lalo pa silang naging malapit sa isat-isa.