Sikat Na Singer Na Si Ronnie Liang Naabot Na Ang Matagal Niyang Pinapangarap: Ang Maging Isang Piloto

Nakakatuwang isipin na ang mga hinahangaan nating mga personalidad ay mayroon palang ibang pinagkakaabalahan bukod pa sa mga bagay kung saan sila ay ating hinangaan. At tunay nakakadagdag pa ng paghanga na ang iyong idolo ay nagawang maabot ang natatanging pangarap sa buhay.



Pinatunayan ng mang-aawit na si Ronnie Liang na bukod sa angking galing at talento sa pag-awit kung saan siya ay nakilala ay mayroon din siyang ibang kakayahan na maari din niyang mapaglinang. Sa katunayan ay nagawa na niyang maabot ang isa pang achievement sa kanyang buhay.

Sa kanyang Instagram account ay masaya niyang ibinahagi ang mga larawan pagkatapos niyang makumpleto kaukulang oras upang maging isang ‘Solo Pilot’,

“Pinning / Solo Pilot Ceremony at APG International Aviation Academy Inc ?✈️ ‘It has always been my dream to be a pilot and I believe that you can pursue your dreams at any point in your life. So here I am, taking steps in fulfilling that childhood dream’, #solopilot #pilot #pilotlife #aviation #aircraft #cessna #ceremony #subic #apgiaa “ caption pa ni Ronnie dito.

Talagang masasabing sunod sunod ang blessing na dumadating sa 34 na taong gulang na singer dahil kamakailan lang ay naging matagumpay ang kanyang solo concert na “LovexRomance” na ginanap sa Music Museum at pagkatapos ay ang pagtatapos niya sa kanyang ‘aviation course nito lamang November 26 na ginanap sa APG International Aviation Academy sa Subic, Pampanga.



Makikita din sa isang larawan na ibinahagi niya habang tinatanggap niya ang isang pin na nangangahulugang isa na siyang ganap na ‘solo pilot’ matapos niyang makumpleto ang 20 oras na pagpapalipad na siyang kinakailangan upang matapos ang kursong ito.

Sa kabilang banda, ayon sa “Ngiti” singer hindi siya titigil sa naabot na achievement dahil pagkatapos niyang maabot ang titulong meron siya ngayon ay gusto naman niya na maging ‘Private Pilot’ at kasunod naman ang kanyang pinakananais na titulo bilang isang ‘Commercial Pilot’.

Samantala, ibinahagi din ni Ronnie sa isang panayam na gusto niya na ang kanyang pamilya ang maging kauna-unahang pasahero pagkatapos niyang maging isang piloto. At ayon pa sa singer ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang career bilang isang professional na singer,



“I’m so thankful sa lahat ng sumusuporta sa akin hanggang ngayon –Ako naman, I continue singing lang –And ang fans ko, grabe yung suporta nila”.

Sa kabilang banda ilang mga netizen at tagahanga ang nagpaabot ng pagbati sa kanilang idolo,

“geloyanne Wag kang manghaharana sa airplane please? Tunaw na kami. Lalo pang matutunaw ?❤️”,
“nashtin16 Congrats@ronnieliang so proud of you ??❤️”,
“gina_cea Congrats captain. Safe flight always! 🙂?”,
“itsjosephine_44 Congratulations idol! Pilot at Singer pa! Godbless you more ?❤️”.