Masasabing sa tuwing makikita ng mga manunuod ang Kapuso Host na si Willie Revillame ng sikat na programang “Wowowin” tiyak na may makakatanggap na naman ng sangkatutak na regalo at papremyo. Sa kabilang banda bukod pa sa jacket at mga perang hatid ng nakakaaliw na programa ay ang kasiyahan dala ng bawat segment nito na talaga namang araw-araw na inaabangan ng mga tagahangang manunuod.
Kamakailan lang ay naging kakaiba ang nasabing programa ng personal na yayain ni Willie ang isang studio audience sa isang date sa loob ng studio. Ang nasabing ginawang pagyaya ng 58 taong gulang na host ay bunsod ng bagong portion na “Will You Date Me” na tiyak na pakaaabangan din ng mga Wowowin televiewer.
Samantala ang nasabing portion ay hindi kagaya ng ibang portion nila dahil ang layunin talaga nito ay maihanap ng makakadate ang magaling na komedyante.
Sa kabilang banda naging mapalad si Ruffa Mae alyas “Angel” na isa sa mga audience ng mapili siya ni Willie na maging instang na kadate. Kaagad niya itong pinabigyan ng mikropono upang makapanayam at marahil dahil sa nakakaaliw at prangkang mga sagot nito kung kaya niya ito napili.
Sa pagtatanung nga ni Willie kung gusto ba niyang magdate sila at kung saan sila pupunta ay buong prangka namang sumagot ang 21 taong gulang na dalaga,
“Kahit saan basta totoo. Basta ‘yung romantic, tas’ ikaw yung kasama ko”.
Samantala lalong natuwa at naghiyawan ang mga tao sa loob ng studio ng awitan ni ‘Angel’ si Willie ng kantang ‘manok na pula’ habang magkahawak silang dalawa ng kamay. At bilang bahagi ng diumano’y date nila nagpahanda si willie ng lamesa at upuan kung saan sila magkasamang mauupo. Nagtawanan naman ang mga audience ng hindi sinasadyang matumba ang dalaga habang inaayos ni Willie ang kanyang uupuan.
Sa kabilang banda naging seryoso din ang loob ng studio ng tanungin ni Willie ang dalagang audience kung anung katangian ang gusto niya sa isang lalaki,
“Yung mamahalin po ako ng hindi po ako niloloko ganun, Gusto ko po yung Faithful pero hindi loyal. Iba po kasi yung faithful sa loyal. Ang loyal po pwede kang magloko pero doon ka lang, Ang faithful sa kanya ka lang hindi ka pwedeng tumingin sa iba” sabi pa ni Angel.
Samantala, masasabing naging masaya at romantic ang nasabing instant date nila Willie at Angel kahit chips at tsokolate lang ang kanilang pinagsaluhan ng kanilang gawin ang romantic cross armed habang umiinom lamang ng tubig.
Laking pasasalamat naman ni Angel ng bigyan siya ng mabait na Host ng halagang limang libo piso at mga regalo mula sa sponsor ng Wowowin show.
Masasabing tiyak na nakakaaliw at magiging kaabang-abang ang ‘Will You Date Me’ na bagong pakulo ng sikat na Noontime Variety Show.