May mag kababaehan na may kakayanin pa ring magbuntis kahit na nasa alanganin na ang mga edad na ang mga ito. Mayroon namang iba na nalelate ang pagbubuntis nila marahil dahil sa may edad na din sila nag-asawa o di kaya ay nahirapan silang magbuntis nung una. Madalas ang mga nagiging anak ng mga babaeng may edad na ay tinatawag na menopause baby, pero kahit anu pa tawagin nila dito ay baby pa din ang mga ito.
Karamihan sa mga artista ay may ganitong sitwasyon, yung iba nga hindi na talaga nabubuntis o di kaya ay nakukunan dahil narin sa medyo delikado na talaga ang edad nila para magbuntis pa. Ang iba naman sa kanila ay nagdedesisyon nalang magampon o di kaya ay dumaan sa mga prosesong tulad ng surrogacy.
Isang halimbawa dito ang aktres na si Alice Dixson na kamakailan lang ay nagsabing handa na sila ng kanyang partner na magkaanak sa pamamagitan ng surrogacy. Ayon sa panayam nito kay Karen Davilla sa ANC’s “Headstart” sinabi nitong,
“Well, my personal journey is super personal, pero sige I will share it. We are still in the process of surrogacy. My partner and I, oo. So I have not given up on that. I think this is our last year to try”.

Nagtaka naman si Karen sa paraan ni Alice na pagkakaroon ng anak kaya tinanung niya ito kung bakit ganitong paraan ang naisip niya at bakit hindi ang paraan kung saan siya mismo ang magdadalang tao. Dagdag pa ni Karen na baka nag-aalala lang si Alice sa magiging hitsura ng kanyang katawan pagkatapos niyang magbuntis.
Ngunit sinagot naman siya ni Alice na hindi mahalaga sa kanya ang magiging hitsura niya pagkatapos niyang manganak kundi ang inaalala niya ay ang kanyang kakayanang magbuntis sa kanyang edad ngayon. Naisip din ni Alice ang magiging kapakanan ng bata sa kanyang sinapupunan dahil medyo delikado na talaga para sa kanyang edad ang magbuntis.

Inamin din ni Alice kay Karen na matagal na nilang sinubukan ng kanyang partner ang mabuntis siya ngunit hindi talaga sila nakakabuo kaya naman nagdesisyon na sila na subukan ang surrogacy.
Halos pitong taon ng nagsasama si Alice at ang kanyang kasalukuyang partner pero hindi pa sila nagpapakasal dahil hindi pa daw ito ang pinakaimportante sa kanilang ngayon kundi ang magkaroon muna ng anak. Ani niya na, “I think we are focusing dito muna kay baby. And then if the nedd arises, who knows.

Pinuri naman ni Karen si Alice at sinabi sa kanya na,
“Maybe that is also why you are glowing, You are happy in your personal life,”.
Kasalukuyan namang pinapalabas sa sinehan ang pelikula ni Alice Dixson at Aga Muhlach na “Nuuk” na kinuhanan sa bansang Greenland. Nakakuha naman ng magagandang reviews ang pelikula nila kaya tara panuorin natin ito na nagsimulang ipalabas nung Nobyembre 6 sa mga sinehan.