Likas na sa mga artista lalo na sa ay lahing banyaga ang tila hindi tumatanda o hindi nagbabago ang ganda ng mukha kahit na nagkakaedad na ang mga ito. Ang iba naman sa kanila ay kahit nagbago na ang hugis ng katawan pero ang ganda ng mukha nila ay nananatili pa din. Isa na ngang halimbawa dito ay si Dina Bonnevie na tinaguriang isa sa may pinakamagandang mukha noong kapanahunan niya sa industriya ng show business.
Ibinahagi ng isang netizen, na nagngangalang Ssenh Pascua, sa isang Facebook group na Memories ng Old Manila ang tila throwback picture ni Dina Bonnevie noong 1980’s. Sinabi niya dito sa post niya na “Dina Bonnevie (in the) 80’s. Siya ‘yong gandang hindi nakakasawang tignan”.
Marami namang sumangayon sa sinabi ni Ssenh Pascua sa kanyang post tungkol kay Dina Bonnevie, kaya naman umani ito ng maraming reaksyon at kumento mula sa mga netizens. Ang ilan sa kanila ay nagsabi na parang hindi tumatanda si Dina Bonnevie dahil narin sa taglay nitong kagandahan mula noon hanggang ngayon.
Matatandaan na bago pumasok sa industriya ng pag-arte si Geraldyn Bonnevie-Savellano o Dina Bonnevie ay sumali muna ito sa mga Beauty Pagent tulad nalang ng Miss Magnolia noong 1979 kung saan siya ang naging first runner up sa paligsahan na ito.
Sa parehong taon din ay nagawa ang unang pelikula ni Dina Bonnevie na pinamagatang “Temptation Island”. Pagkatapos ng nasabing pelikula ay sunod-sunod na ang naging proyekto ng aktres tulad nalang ng pelikula niyang “Katorse” na isinulat ni Joey Gosingfiao kung saan siya ang naging bida at katambal niya dito si Gabby Concepcion.
Nagsunod sunod naman ang mga parangal na nakuha ni Dina Bonnevie sa mga sumunod niyang proyekto tulad nalang ng pelikula niyang “Tinik sa dibdib” noong 1985 kung saan nasungkit nya ang best-supporting actress ng FAMMAS at FAP at kasama niya din dito ang magaling na artista na si Nora Aunor. Nang sumunod na taon ay nakuha din ni Dina Bonnevie ang parangal na best actress ng CMMA, FAMAS at FAP para sa pelikula niyang “Magdusa Ka!. Naging nominado din siya sa mga pelikula niyang “Maging Akin Ka Lamang” ng taong 1987 “Huwag Mong Itanong Kung Bakit” ng taong 1988, “Gumapang Ka Sa Lusak” ng taong 1990, at “Bridal Shower” ng taong 2004.
Ilan pa sa mga pelikula na ginawa ni Dina Bonnevie sa ilalim ng Viva film ay ang “Sana’y Wala nang Wakas”
(1986), “Alabok sa Ulap” (1987), “Ang Lahat ng Ito Pati ang Langit”(1989), “Gumapang ka sa Lusak (1990), “Kung Kasalanan Man” (1990), “Ang Babaing Nawawala sa Sarili” (1990).
Hindi lang pala ganda ang taglay ni Dina Bonnevie dahil nakakahanga din ang pagarte nito na napatunayan niya sa kanyang mga nagawang pelikula.