Sinu ba naman ang hindi nakakakilala sa ‘Ka Tunying’ ng programang Umagang Kay Ganda na araw-araw na gumigising sa mga kapamilya televiewer. Sa kanyang bukod tanging mga opinyon patungkol sa mga naglalakihang suliranin sa ating bansa na talaga namang mapapabilib at mapapasang-ayon ka.
Sa kabilang banda sinung hindi magugulat na bukod sa taglay na katapangan ni Anthony Taberna sa harap ng kamera ay may natatago rin palang itong kilig side na talaga namang nagpakilig hindi lamang sa kasamahan sa telebisyon maging sa mga netizen din.
Kamakailan lang ay ibinahagi ni Ka Tunying sa kanyang Instagram account ang larawan nilang mag-asawa na masayang nagdiriwang ng ika-34th nilang ‘Metsary’ na nilagyan niya ng mensahe patungkol sa unang pagkakataon na makita niya ang kanyang asawa,
“Ang misis ko ang nag-imbento ng terminong ito – METSARY. Ikaw ba naman ang nakapag-asawa ng Millenial ? Pero kahit ano pa ang tawag, talaga naman kaysarap alalahanin at balikan ang mga eksena kung paano ko unang nasilayan ang kaniyang ganda –“.
Ibinahagi din ng 44 na taong gulang na host kung paanu silang nagkakilala ng asawang si Rossel Velasco-Taberna,
“habang nakatayo sa tapat ng 7-11 sa Mendiola noong 11-11 o November Eleven 14 years ago. Eksaktong 4:11 ng hapon, kumabog agad ang puso ko sa babaeng makakasama ko na pala habang ako ay nabubuhay. Kahit na 11 years pa ang tanda ko sa kaniya, pinatos ko na – ganda kasi eh, Ang press release ko, pinikot niya ako pero ang totoo, ako ang patay na patay sa kaniya. Happy 14th Metsary Beb”, masayang pagbabahagi pa niya.

Samantala tunay na importante sa “Kuha Mo To” host na si Anthony at sa asawang Rossel ang araw na tinawag nilang Metsary dahil ayon sa kanila ito ang itinadhana sa kanila ng Diyos na sila ay magkakilala at magsama ng pang-habang buhay,
“Ganda ng tanong mo kanina pagkatapos nating magdinner at magharutan sa 7-11, paano kaya kung hindi tayo nagkatagpo? Napakahirap palang sagutin dahil wala naman akong iniisipna ibang senaryo na hindi ikaw ang kasama ko. Ah basta, ang alam ko ay ibinigay sa akin ng Panginoon ang eksena sa 7-11 dahil parte yun ng proseso na ibinibigay ka na Niya sa akin”.

Ilang mga netizen naman ang kilig na kilig na nagbigay na kani-kanilang mensahe,
“_.bm_ryf_888_ Haba naman sir tunying,,sweet nkakatouch nman love story nyo ? sana all ??❤️?”,
“alicegeduardo Happy, happy aniver-sary to my favorite couple – Love your love story my inaanaks Love you both “,
“parootparito Happy metsary @iamtunying28@rosseltaberna God bless you more…”

Masasabing napakasarap at nakakakilig talagang balikan ang mga nakalipas na nakaraan na minsan ay nagbigay sa atin ng kakaibang saya na sa ngayon ay isang magandang alaala na sasariwain nating sa ating mga buhay.

Happy ‘METSARY’ Mr. and Mrs. Taberna!!