Si Priscilla Almeda o Abby Viduya ay isa sa mga kilalang sexy star noong dekada nobenta. Sunod sunod noon ang natatangap na proyekto ni Priscilla at talaga namang sumikat ito noong kapanahunan niyan. Ilan sa mga pelikula ni Priscilla na tumatak sa publiko ay ang Halik (1995), Sutla (1999) at Syota ng Bayan noong 2001 na naging bansag na sa kanya nung huli.
Ngunit habang kasagsagan noon ng karera ng syota ng bayan ay bigla itong nagdesisyon na lisanin ang pag-aartista at magbagong buhay sa ibang bansa. Maraming nabigla at nalungkot sa desisyong itong ni Priscilla pero wala na silang magagawa dahil desididong desidido na talaga ito.
Halos 15 taon din ang nakalipas ng lisanin ni Priscilla Almeda ang pag-aartista at ngayon ay nababalitang babalik na nga daw ulit ito sa industriya ng show business.
Ayon sa isang panayam ni Priscilla sa PhilStar ay ibinahagi nito na madami pa din daw ang tumatawag sa kanya ng “syota ng bayan” kahit ilang taon na din itong nawala sa telebisyon. Dagdag pa nito na madami pa din nakakakilala sa kanya dahil narin sa mapapanuod parin ang kanyang mga pelikula sa Youtube.
“They watch it on YouTube and girls that I meet tell me ‘syota ng bayan’ and I kind of like it,”
Ngunit sinabi ni Priscilla na ibang Priscilla na daw ang gusto niyang makilala ngayon ng publiko at hindi na ang dating Priscilla na syota ng bayan.
Saan nga ba pumunta si Priscilla pagkatapos nitong lisanin ang pag-aartista?
Nakipagsapalaran si Priscilla sa Alberta Canada at doon ay bumuo siya ng kanyang pamilya. Sa kasalukuyan ay may tatlo itong anak na may edad 17, 8, at 4 ngunit hiwalay na ito sa ama ng kanyang mga anak. Ayon djn kay Priscilla ay iniwan nito ang kanyang mga anak pansamantala sa Canada sa pangangalaga ng kaniyang mga kamag-anak pero may mga kanyan kanya itong yaya.
Inamin din ni Priscilla na malayong malayo na ang katawan nito ngayon sa dating sexy katawan ng Priscilla na kilala ng karamihan dahil narin daw sa lifestyle nito sa Canada. Pero nangako naman ito sa kanyang mga tagahanga na magbabawas na siya ng timbang bago manlang siya bumalik ng Pilipinas na ginawa naman niya talaga.
Dagdag pa nito na kapag siya daw ay bumalik na sa larangan ng pag-arte ay baka gayahin niya ang mga role ng dating niyang kasamahan sa Seiko na tulad nila Gardo Verzosa na isang magulang o pamilyadong tao.
Goodluck Priscilla, hihintayin namin at aabangan ang inyong pagbabalik sa show business.!