Solenn Heussaf At Anne Curtis Magkasamang Dumalo Sa Isang ‘Seminar’ Para Sa Mga Buntis

Morning sickness, pabago-bagong mood at pagcacrave sa isa iba’t ibang uri ng pagkain ilang yan sa mararanasan ng isang babaeng nagdadalang-tao. Masasabing isang biyaya mula sa Diyos ang pagkakataon na mabibiyayaan ng isang sanggol ang isang mag-asawa.

Pero kalakip ng sayang hatid para sa isang babae na maging isang ganap na ina ay ang panganib nito sa kanyang buhay at maging sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Kaya’t ibayong pag-iingat at masusing paghahanda ang pagdadaanan ng nagnanais na maging isang ina.



Marahil ito ang pinaghahandaan ng mga artistang sina Anne Curtis at Solenn Heusaff na pareho ngayong nagdadalang tao. Sa katunayan parehong panganay ng magsister-in-law sa tunay na buhay sa kanilang mga asawa na sina Erwan Heusaff at Nico ang ipinagbubuntis.

Photo credits: acurtisism | Instagram 

At kamakailan nga lang ay magkasamang dumalo sina Solenn at Anne sa isang sikat na seminar para sa mga buntis upang malaman kung paanu nila paghahandaan ang panibagong yugto sa kanilang buhay.

Photo credits: acurtisism | Instagram

Ang nasabing seminar ay pinangunahan ng kilalang “The Parenting Emporium” sa katunayan ay ibinahagi pa nila sa kanilang official Instagram account ang larawan nila Anne at Solenn na kasama pa ang asawang si Nico Bolzico,

“It is our distinct pleasure to have first row seats when parents grow in knowledge as they absorb new and fresh information at our classes, during product recommendations, at exchanges with other parents and more. Such was our privilege as first time parents @solenn @nicobolzico and @annecurtissmith sat down yesterday to a morning’s session with Dr @kristine_lapus , veteran mommas @mafaeb and @jestangan, and some of our #TPEApproved brand suppliers”, caption pa nila sa larawan.



Samantala, nagbahagi din si Solenn sa kanyang Instagram account ng kanyang larawan kasama “It’s Showtime” host kung saan masaya nilang ipinasilip ang mga lumalaking tiyan at binigyan pa niya ng caption na, “4 humans in a photo 🙂 happy to grow with you @annecurtissmith”.

Photo credits: acurtisism | Instagram

Sa ngayon ay nasa ika-5 buwang pagbubuntis na ang “Kampanerang Kuba” actress sa asawang si Erwan na nakakabata ring kapatid ni Solenn samantalang ang “All Star Videoke” host naman ay halos nasa ika-7 buwan at masayang hinihintay ang baby girl nila ng asawang Nico Bolzico.



Tunay nga na ang pagiging isang ina ay hindi lamang sa pagdadala ng sanggol sa sinapupunan kung hindi kaakibat nito ang mas malalim na responsibilidad na dapat paghandaan. Kagaya ng ginagawang paghahanda ng ‘proud wanna be mommies’ na sina Solenn at Anne.