Silipin: Kakaiba ngunit Napaka Gandang Disenyo ng Christmas Tree ni Doktora Vicki Belo, Isang Sikat na Decorator sa U.S. ang Gumawa

Kabi-kabila na naman ang pagpapatugtog ng mga awiting pamasko at muli na namang bumibida ang mga dekorasyon na nakikita lang natin kapag papalapit na ang espesyal na okasyon. Katulad ng isang linya sa sikat na kantang pampasko ating muling masasabi na ang pasko ay muling sasapit na naman.

At sa panahong ito marami na ang naghahanda mula sa maliit na parol sa mga kumukutitap na Christmas light hanggang sa naglalakihang mga Christmas tree. At para sa iba ay talagang pinaghihirapan ang mga walang katulad nilang christmas display at matinding pagpaplano ang ginagawa ng iba para lang maipakita ang diwa ng nalalapit ng pasko.

Sa kabilang banda ay maaga ding pinaghandaan ni Doktora Vicki ang natatangi at minsanan lang na pagdiriwang. At hindi katulad ng mga nakaraang niyang pagsasaayos ng dekorasyon sa kanyang marangyang tahanan ginawa niyang mas higit pa itong espesyal at kakaiba ngayong taon.

Pinili ng proud mommy ni Scarlet Snow na magpatulong sa isang sikat na foreign decorator na siyang nag-iisip ng mga makukulay na pamaskong dekorasyon sa marangyang tahanan niya sa Makati.



At sa isang lathalain nga ay makikitang ang banyagang si Steven Brown ang personal na nagdecorate sa tahanan ng maybahay ni Hayden Kho. Ipinagkatiwala ni Doktora Vicki ito sa sikat na christmas decorator na Glitterville studios. Masasabing sobrang kakaiba at walang katulad ang kinalabasan ng mga dekorasyong pamasko na si Steven mismo ang gumawa

At sa isang lathalain ay narecognized ang mga gawa ni Patrick ng sikat na Host na si Oprah Winfrey at sinabi niya gustong gusto ito.

Makikita nga sa official Instagram ng Glitterville studios ang larawan ng makulay na dekorasyon na para bang hugis itong puno,

“Tis The Season For A Tropical Tree At The Manila Home Of @victoria_belo @dochayden And The Most Famous Baby In The World @scarletsnowbelo —Swipe To See The Entire Process”,pahayag pa ng Glitterville.

Sa kabilang banda, ibinahagi ng 63 taong gulang Doktora sa kanyang Instagram account ang larawan niya kasama ang anak na sina Cristalle At Scarlet Snow habang ginawa background ang makulay na christmas na nilagyan niya ng caption na,

“An early Merry Christmas from the 3 #Belo girls @cristallebelo, @scarletsnowbelo and me.”



Ilang mga netizen ang humanga sa nasabing kakaibang style ng christmas tree,
“agladys19 ❤️The Christmas tree!!!”,

“joey1luna Vicki, your tree is awesome!!! ??“, “ohmar19 wow its Christmas na..”.