‘Proud Daddy’ Na Si Doug Kramer Ipinaliwanag kung Bakit nga ba Importante ang i labas at Makipag Date sa mga Anak na Babae

Masasabing napakalaki at napakahalaga ng bahagi ng isang magulang sa magiging kinabukasan ng kanilang mga anak. Kaya habang bata pa ang mga anak tinitiyak ng isang ina o ama na mapag-laanan ng maraming oras ang anak. Higit pa sa pinansiyal na kayang maibibigay mas mahalaga ang tamang atensiyon sa pagpapalaki ng isang anak.



Masasabing ang 6’5 na professional PBA player na si Douglas Rimorin Kramer o ‘Doug Kramer ay kabilang sa mga kilalang personalidad na talagang nagsisilbing father figure sa kanyang mga anak. Bukod sa angking galing sa propesiyon na pinili, sinigurado din ng better half ni Cheska Diaz na personal na magabayan ang mga anak.

Photo credits: Dough Kramer | Instagram

Sa katunayan madalas natin ang makita ‘Team Kramer” sa mga commercial sa telebisyon na nagsisilbing isang inspirasyong sa Pamilyang Pilipino.

Kamakailan lang ay ibinahagi ng Center Forward ng Phoenix Pulse Fuel Masters ang isa sa mga bonding moment niya sa kanyang panganay na anak na si Kendra. Ayon pa sa 36 taong gulang na player mahalaga sa kanya ang personal na hilig na anak at palagi siyang nakasuporta bilang proud na daddy.



Makikita sa kanyang Instagram ang larawan nilang mag-ama habang hawak-hawak ang kani-kanilang painting na ginawa. Ayon pa kay Mr.Bicep ng PBA,

“Today, I took Kendra out on a date. Out of everyone in the family, I’m the least artistic. But because she loves painting, I decided to paint with her because this is what she’s passionate about. I needed a little help with the outline, but I wanted to draw our sunset at our house. Kendra painted the sunset by the beach, and I was embracing her as we were standing at the beautiful view”.

Photo credits: Dough Kramer | Instagram

Samantala sinabi ng Commercial Dad na bilang isang ama kailangan na talaga na maglaan ng oras para makasama ang mga anak. Sa katunayan palagi niyang inilalabas ang kanyang mga anak para makasama sa tinatawag niyang “dates” with my daughters.

Samantala ang kanyang nag-iisang anak na lalake na si Gavin ay mahilig naman sa taekwondo kaya sinabihan niya ito na napakahalaga na magkaroon ka ng oras para makasama sa bonding ang pamilya. Kung kaya kinausap ni Doug ang bunsong si Gavin na sumubok pa ng ibang bagay kagaya na lang pagbaballet na hilig naman ng ate niyang si Kendra.

Photo credits: Dough Kramer | Instagram

“Ballet is not just for girls, okay. It’s not just for girls, it’s for flexibility; its for posture” sabi pa ng dating manlalaro ng ‘San Miguel Beermen’, “That’s why Gavin wanted to join it”



paliwanag pa ni Doug sa pagsali ng anak na lalake sa ballet class.

Photo credits: Dough Kramer | Instagram

Masasabing napakahalaga talaga kay Doug ang makasama ang mga anak, malayo sa hiyawan at pisikalan sa pambansang ligang kinabibilangan.