Katulong , housemaid o yaya at ngayon ay mas kilala na sa tawag na ‘kasambahay’ ito ang tawag natin sa mga kasama sa bahay na hindi man natin tunay na kapamilya pero masasabing sa tulong nila ay gumiginhawa ang isang tahanan.
Sa tinatagal-tagal man ng panahon nabago man ang katawagan sa kanila hindi maitatangging isa sila sa pinakaimportanteng miyembro ng isang sambahayan.
Marami sa kanila ay may samu’t saring kuwento sa buhay na kanilang naging dahilan kung bakit kinailangang iwan ang bayan. At natiis na mawalay sa mga mahal sa buhay upang makipanuluyan sa ibang tahanan upang kumita at makapagpadala sa mga pamilyang naiwan sa kanilang bayan.
Masasabing walang hindi sila gagawin kahit pa dugo at pawis ang maging katumbas ng bawat halagang kanilang pinaghihirapang kitain maibigay lamang ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
At sa panahon natin ngayon, tunay na mahalaga na rin ang papel ng isang kasambahay sa pamilyang kanilang pinaglilingkuran. Dahil higit pa sa mga gawaing bahay na araw-araw nilang nagagampanan ay ang pangako nilang tunay na malasakit at dedikasyon sa pamilyang kanilang pinagsisilbihan.
Samantala, para sa mag-asawang Doug Kramer at Cheska Garcia-Kramer masasabing walang sapat na halaga ang pwedeng ibalik sa kanilang kasambahay na si ‘Yaya Josie’. Kaya sa kanilang munting pamamaraan ay napagpasiyahan nila na maibalik sa matagal na nilang kasambahay ang taos puso nilang pasasalamat.
Makikita nga sa Instagram account ng “Mr.Bicep” ng PBA ang videong inupload nilang mag-asawa kasama si ‘Yaya Josie’ habang ipinapakita nila ang kanilang bagong kagamitan na makakatulong upang gumaan ang gawaing ng mahal nilang kasambahay,
“Granted a simple request for our long time kasambahay! One of the things I wanted to do in the house was make a durable and spacious laundry area. So for our long time kasambahay, Yaya Josie, we made sure to make her job a little easier. Here’s the @SamsungPH fully automatic topload washing machine! Glad that doing laundry can now be easier for her especially with the built-in basin and all our easy-to-use appliances.” pahayag pa ni Doug sa naturang larawan.
Samantala, ayon pa sa loving husband at daddy ng ‘Team Kramer’ ginawa nila ito bilang pagpapakita ng pagmamahal at pasasalamat na rin sa 14 years na nilang kasambahay na maituturing na rin nilang mahalagang bahagi ng kanilang pamilya,
“We love and appreciate our Yaya Josie so much, she’s actually been with us for 14 years now! We’re super thankful for her in helping us nurture our family. Blessed to have her! #InnovationsThatNurture”, sabi pa ni Doug.
Samantala ilang netizen ang nagpaabot ng mensahe at pinuri ang kakaibang regalo nila Doug at Cheska sa kanilang kasambahay na si ‘Yaya Josie’,
“jbroquiza ang bait nyo po sa kasambahay nyo God bless you po and your family ??”,
“blach_kryptonite Super bait tlga nyong dalawa sa mga kasambahay. Salute to this famiy! God bless you more! ???”,
“creziljoycamiros Godbless Kramer family ❤️❤️❤️”.
Tunay na sa tulong ng mga kasambahay na katulad ni ‘Yaya Josie’ ay nagiging maayos at maginhawa ang isang tahanan. At karapat-dapat lang na ibigay din sa kanila ang kaukulang pagpapahalaga katulad ng ginawa nila Doug at Cheska. Mabuhay Kayo!!