Nonito Donaire Umiiyak Na Hiniram Ang ‘Tropeyo’ Ng Nakalabang Boksingero Dahil Sa Pangako Sa Mga Anak

Kilalang tayo mga pinoy na mahilig at magaling sa larangan ng boksing. Dahil sa angking tapang at pusong hindi sumusuko sa loob ng apat na sulok ng lona nagagawa ng ating mga boksingerong Pinoy na masungkit ang napakahirap na panalo.

Kapalit ng tagumpay ay maraming pasa at bugbog sa katawan para lang maiuwi ang karangalan hindi lang para sa sarili kung hindi para sa inang bayan.



Samantala katulad ng ibang kompetisyon matapos ang ilang round ng pagpapakita ng angking galing at bilis isa lang ang itataas ang kamay upang tawaging kampeon at ang isa ay uuwing luhaan na lalong madarama ang sakit ng katawan dahil sa kinapos na pangarap na tagumpay Sa kabilang banda pinatunayan ng ‘Filipino Flash’ ang tatag at tibay ng loob hindi dahil sa naiuwi niya ang tagumpay kung hindi ng tuparin niya ang pangako sa kanyang dalawang anak. Natalo man at hindi man pinalad ang pangarap na tropeyong “Muhammad Ali” na pinaglabanan nila ng nakatunggaling si Naoya Inoue hinangaan naman siya ng netizen dahil sa pangakong tinupad para sa mga anak.

 Bago pa man ang nasabing tunggalian ng dalawang boksingero nangako ang 36 taong gulang na boksingero na iuuwi niya ang Muhammad Ali Trophy sa kaniyang mga anak. Pagkatapos nga ng laban kung saan natalo ang boksingerong pinoy kinausap niya ang nakalabang si Naoya Inoue para mahiram ng isang gabi ang tropeyo para sa kanyang mga anak na umaasang makita ang nasabing tropeyo,

“And with tears in my eyes, I humbly asked Inoue to borrow it for a night, not for me but for my word” share pa ni Nonito sa kanyang social media post.

Ibinahagi din ng magaling na boksingero sa kanyang Social Media ang isang video kung saan makikita ang tropeyong hiniram mula sa boksingerong hapon at ang kanyang dalawang anak. Sa nasabing video makikita na ang mga anak ni Donaire ay malungkot at maririnig na umiiyak habang sinasabing tumigil na ang boksingerong ama sa pagboboksing dahil sa mga natatamong bugbog at pasa sa bawat laban. Samantala makikita naman sa Instagram ng dating World Champion ang isang larawan kung saan nilagayan niya ng caption na,



“That you do your best and you come short. You will win. You will lose. But in either aspect you will do so graciously. It’ll pain them to see my face. They’ll kiss my wounds. –And I told about the battle I fought. That I’d rather put my life on that shield that give up. And that we will ALWAYS fight”

Sa kabilang banda nagpasalamat at binati din ni Donaire maging ng kanyang mga anak si Naoya dahil sa panalo at sa pagpapahiram ng tropeyo kahit isang gabi lang. Taos puso namang nagpasalamat ang Pinoy-American boxer sa kanyang mga tagahanga sa patuloy na pagsuporta sa bawat laban at nagpasalamat din siya sa Diyos sa ginawang pag-iingat sa kanyang katatapos lang na laban.