Nalala niyo paba ang Dating Sikat na Singer na si Carol Banawa? Ito na ang Buhay niya Ngayon

Sa mundo ng show business hindi lahat nagtatagal, yung iba umaalis pansamantala at bumabalik din samantalang yung iba tuluyan na talagang iniwan ang kanilang karera at namuhay malayo sa magulong mundo ng show business. Isang halimbawa dito ang dating aktres at mang-aawit na si Carol Banawa na noo’y maganda ang takbo ng karera sa show business at kabilang pa sa mga palabas tulad ng “Ang TV, Tabing Ilog at ASAP.

Isa ding kilalang mang-aawit si Carol at ilan nga sa mga tumatak na awit nito sa mga netizens ay ang “Bakit Di Nalang Totohanin” na kung saan ay ginamit noon sa palabas ng “The Vampire Diaries” na isang sikat na palabas sa Amerika.



Ilang taon ang lumipas at nagdesisyon si Carol na iwan ang karera niya sa industriya ng show business at magpakasal sa kanyang asawa ngayon na si Ryan Crisostomo noong taong 2006. Nagdesisyon din silang pumunta ng Amerika at doon ay bumuo ng isang pamilya dahil kasalukuyan din doon nagtratrabaho bilang isang militar ang asawa ni Carol na si Ryan.

Pinagpalit ni Carol ang magandang takbo ng karera niya sa industriya ng show business para sa mapayapa at pribadong buhay kasama ang pamilya niya sa Amerika. Doon din ay pinagpatuloy niya ang kanyang career sa larangan ng medisina sa pagiging isang nurse na bagay na hindi niya pinagsisisihan bagkos ay minamahal niya pa ngayon.

Nagbahagi naman si Carol sa kanyang social media account ng isang larawan kung saan siya ay naatasan sa operating room na bahagi ng kanilang clinical schedule. Nilagyan niya ito ng caption ng,



“Was assigned to the OR yesterday for cliniclas. OR is definetely one of my top 3 choices! I was so giddy all day! My feet were killing me from standing and walking around the whole time but the stuff I got to witness and observe was so worth it!”.

Bukod pa doon ay ibinahagi din niya ang hindi niya mapaliwanag na saya ng makakita siya ng Laparoscopic Gastric Bypass, Laparoscopic Gastric Sleeve, Laparoscopic Cholecystectomy, Panniculectomy at ng makahawak siya ng tiyan na tinaggalan ng gallbladder na may malaking bato sa loob nito.

Talaga namang hindi mapaliwanag ni Carol ang pakiramdam niya ng mabigyan siya ng oportunidad na maexperience ang mga bagay na iyon, sa pagtatapos naman ng kanyang post ay nilagyan niya ito ng #futureRN.



Isa lang si Carol sa mga artista na nagdesisyong piliin ang karerang malayo sa magulong mundo ng show business pero ganoon pa man ay masaya sya sa naging desisyon niya. Talaga namang kahit gaano pa kahirap ang isang trabaho kung mahal mo ito at gusto mong ginagawa ito, kaya kahit mapagod kapa okey lang dahil masaya ka naman sa ginagawa mo.