Nadine Lustre Ibinahagi na Bago pa Sumikat Nagsimula Muna siya Bilang Miyembro ng isang Girl Dance Group na Tinawag nilang “Pop Girls”

Marami sa atin ang hindi nakakaalam ng storya ng buhay ni Nadine Lustre bago ito mapabilang sa mga sikat na artista ng kanyang henerasyon. Bago kasi ito maging katambal ni James Reid sa “Ang Diary ng Panget” na maituturing na “Big Break” niya ay naging singer at dancer muna ito ng girl group na Pop Girls. Bukod pa dito ay palipat lipat din si Nadine ng istasyon kung saan siya ay may programa.



Dahil sa nauso ang KPop o Korean pop music, naglabas naman ang Viva Entertainment ng pinoy bersyon nito at ito nga ang nasabing grupo ni Nadine na Pop Girl. Binubuo ito ng limang teenagers na babae na may angking talento sa pagkanta at pagsayaw.

Bukod pa rito, apat sa limang myembro nito ay may kalahating dugong banyaga at sila ay sina Rose Van Ginkel na half-Dutch, ang kambal na sila Lailah at Mariam Bustria na half- Lebanese at si Shy Carlos na half-swiss. Si Nadine lang sa lima ang walang dugong banyaga pero ito ang mas sumikat sa kanilang limang.

Nagkaroon din ng album ang grupo ni Nadine at ilang nga sa sumikat nilang kanta ay ang “Crazy Crazy” at “Urong Sulong” na madalas marinig noon sa music channel at mga istasyon sa radyo. Bukod dito ay napasama din ang grupo ni Nadine na Pop Girl sa isang musical variety show ng GMA Party Pilipinas, kasama ang isa pang PPop na grupo na XLR8 na tumagal naman ng halos tatlong taon.



Nang matapos ang kontrata ng Pop girl sa GMA ay nagkaroon ang mga ito ng kanya kanyang oportunidad tulad nalang ni Nadine at Shy na ipinagpatuloy ang karera sa pag-aarte. Napabilang din ang dalawa sa ilang drama show tulad nalang ng “Bagets: Just Got Lucky” na nilikha din ng Viva Entertainment. Pagkatapos sa GMA ay lumipat ang grupo ni Nadine sa TV5 at doon ay napabilang sila sa isang variety show na “Hey It’s Saberdey”.

Maituturing na simula ng big break ni Nadine Luste ang pelikula nitong “Ang Diary ng Panget” dahil siya ang napiling maging bida dito at maging katambal ni James Reid. Pagkatapos ng pelikula na ito ay naging sunod sunod ang mga pelikula at proyekto na natatanggap ng dalawa. Naging regular na guest din sila ng GMA bago naging opisyal na Kapamilya si Nadine noong taong 2014 sa dahil narin siguro kay James Reid na Kapamilya na talaga.

Narito at ating balikan ang video ng minahal na grupo ni Nadine na Pop Girls.