“Momshie Melai Cantiveros” Ibinahagi Ang Kakaibang Pamamaraan Niyang ‘Face the Wall’ at ‘Luhod’ Bilang Pag-Didisiplina Sa Mga Anak

“Ang anak na hindi paluin, ina ang tiyak na paluluhain” ito ang matandang kasabihan na minana pa natin sa ating mga ninuno na talaga namang nag-papaalala sa isang ina na dapat talagang bigyan ng disiplina ang anak.

Sa panahon ngayon na malaking bahagi ng pag-uugali ng isang bata ay maaring nakukuha niya sa kanyang mga napapanuod, mga napapakinggan maging sa mga nakakasalamuhang kaibigan. Talagang napakahirap na kung saan lulugar ang isang ina sa kung paanung paraan niya palalakihin ng maayos ang mga anak pero hindi yun ang magiging dahilan upang hindi na bigyan ng tamang disiplina ang anak kapag nakagawa ng kasalanan.



Samantala, ibinahagi ng “Magandang Buhay” host na si Melai Cantiveros ang kakaibang pagdidisiplina niya sa kanyang mga anak sa asawang si Jason Francisco. Ipinakita niya sa kanyang Instagram account ang mga larawan ng kanyang mga anak na sina Mela at Stela na nakatalikod at nakaluhod na ayon sa dating PBB winner ay pamamaraan niya ng pagdidisiplina sa mga anak.

Sa nasabing post niya sa Instagram nilagyan pa niya ito ng mensahe na,

“Kami sauna pag gaAway mi diretsu Luhod tapos sabayan ug asin ang tuhod sabay ampo ? Karun kay English na #FaceTheWall na , sabay japun Ampo ug sorry sa usag usa , tapos realization nganu giparusahan , para makakat on . ug pohon mangadagko sila , mudako nga naay maayu nga pamatasan . Tama man? Kamu unsaun ninyu disiplinahun inyung mga anak , Comment na ? mao ning gitawag na #Merese para kay @atemelafrancisco @stelarosalind , kay gaaway mn , #AwaypaMore para #LuhodPaMore”.

Sa kabilang banda, ayon pa sa proud momshie nila Mela at Stela maging silang magkakapatid noong bata pa sila ay dinisiplina din ng kanilang mga magulang. Sa katunayan malinaw pa sa alaala niya ng panahong pinapaluhod silang magkapatid sa asin bilang parusa sa tuwing sila ay mag-aaway.

At ngayong isa na ring ina ang “Your Face Sounds Familiar” Season One Grand Winner nais niya na matuto din ang mga anak sa tamang pagdidisiplina sa kanila gaya ng pinapagawa niyang “face the wall” habang nakaluhod at pinahihingi din niya tawad sa kanilang ginawa.



Ilang mga netizen naman ang sumang-ayon sa pamamaraang ginagawa ng “Banana Sundae” artist at nagbahagi din ng kani-kanilang pagdidisiplina sa mga kanilang anak,

“Una, bawal muna. Sunod (pag) wala pa rin, then may pangatlo pa , ang next nun bibigyan ko sila ng tig-isa pamalo tapos sabay sabi ‘Sige magpaluan kayo, wag kayong titigil hanggang hindi kayo magsawa.’ Pero ngayon naman mga dalaga na silang dalawa super friends naman silang dalawa; kung nasaan ang isa, andun naman yung isa. Madalas pag bibili sila ng damit laging matching sila”,

“I believe in this kind of punishment. I also spanked my kids when they were small. They are now grown-ups and when I ask them if they are mad at me, they’d always say no. They’re even thankful that I disciplined them because they are now good, happy, and responsible adults. Just do whatever you think is applicable to your kids. You’re the mother, you know better”,

“Tinanong ko ang anak ko kung ano ang naalala niya nung maliit pa siya na hinding hindi niya malilimutan. Sabi ng anak, ‘Mama – natandaan ko yung pinaluhod mo ko sa sahig na may asin..’ Sagot ko, ‘Natatandaan mo yun anak?’ Sabi niya, ‘Opo, mama. Takot na takot ako nun mama’ Naawa ako sa anak ko. Niyakap ko siya. Sabi ko gusto ko lumaki ka na may respeto sa magulang at maging mabuting tao, at hindi pabigat sa mundo at higit sa lahat, may takot sa Diyos. Sa awa ng Diyos mabait ang anak ko”.



Totoong bilang isang ina dapat alam mo kung paanung bubusugin ng pagmamahal ang anak subslit hindi mo rin dapat ilalayo sa kaniya ang disiplina sa tuwing makakagawa siya ng mga kamalian.