Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters Engage na sa Gobernador ng Camsur na si Migs Villafuerte

Nitong nakaraang Hulyo 16 lang ay ipinagdiwang nila Rachel Peters at Migs Villafuerte ang ika-limang taon ng pagiging magkasintahan nila sa Kenya. Nagbahagi din ito ng mga larawan ng kanilang masayang trip sa kanyang social media account at nilagyan niya pa ito ng caption na “Celebrating 5 years together in the Mara [heart emojis]”.



Photo credits: rachelpetersx | Instagram 

Buwan din ang lumipas pagkatapos magdiwang ang dalawa ng kanilang anibersaryo, ay biglang nagulat ang mga netizens ng magbahagi si Rachel ng larawan niya at ni Migs habang suot suot nito ang isang engagement ring. Nakumpirma naman ng mga netizens na engage na nga ang dalawa dahil nilagyan kasi ni Rachel ng caption ang nasabing larawan ng “Your girls getting hitched!”. Bumuhos naman ang suporta at pagbati ng mga netizens at ilan sa mga kaibigan at kamag-anak ng dalawa.

Photo credits: rachelpetersx | Instagram

Naimbitahan naman sa Magandang Buhay si Rachel Peters at doon ay ikinewento niya kung paano at saan sila nagkakilala ni Migs. Ayon kay Rachel, una silang nagkita ni Migs ng maimbitahan ito sa isang event sa Camsur, ito din yung panahon na lalaban siya sa Miss World. Ayon pa kay Rachel,

“It was not love ar first sight. Sobrang hindi ko siya type at first.”



Ngunit habang tumatagal daw na nagkakasama sila ay nakikila niya kung sinu at anung klaseng tao si Migs at doon niya napagtanto na mabait at mabuting tao ito. Dagdag pa ni Rachel na,

“His heart is always in the right place and you know, he loves his family, and for me, those are two important things to look for in a guy”.

Photo credits: rachelpetersx | Instagram

Nakakatuwa naman ang kwento nila Rachel at Migs, at dito mo talaga makikita na hindi lahat ng babae sa hitsura agad nakatingin at binabase ang pagmamahal. Tulad nalang ni Rachel, binase niya ang pagmamahal hindi dahil sa sikat o kilala sa politika si Migs kundi kung anu ang nasa kalooban nito at kung anung klaseng tao ito dahil yun naman ang mahalaga kapag nagmamahal ka.

Congrats sa inyo Rachel and Migs!