Megastar Sharon Cuneta Ibinahagi Ang Sampung Mahahalagang Aral Tungkol Sa Pera: Nilinaw Din Ang Good Utang vs Bad Utang

Sa panahon ngayon na masasabing napakahalaga ng bawat sentimo at kung gaano kahirap itong kitain ay napakabilis naman gastusin. Talagang dahil sa hirap ng buhay, mataas na gastusin at malaking pangangailangan masasabing napakadali lang dumaan sa ating palad ang perang dugo at pawis ang ating puhunan.

Kaya napaka-importanteng marunong kang magbudget at kung paanu mo ito gagastusin ng may katalinuhan.

Samantala nakakatuwang isipin na hindi dahilan ang pagiging mayaman maging ang mataas na estado sa lipunan upang hindi maging conscious sa kung paanu gagastusin ang mga dumadating na pera papasok sa kanilang bulsa.



Kilala natin na magaling na artista at family oriented ang 53 taong gulang na aktres na si ‘Megastar’ Sharon Cuneta. Sa kabilang banda ang magaling na aktres ay kilala din na magaling magpayo lalo na sa personal na pamumuhay kung kaya maraming netizen ang humahanga sa idolo.

Kamakailan lang ay ibinahagi niya ang isang video patungkol sa kung paanong magagawang magtipid sa panahon ngayon, nagbigay siya ng sampung mahalalagang aral na natutunan kung paano ang tamang paggamit ng pera.

Una dito ang pag-iipon ang pinakamahalagang dapat gawin, sinabi ng singer na pinakauna sa lahat ang pag-iipon dahil kung magiging magastos sa mga bagay na hindi naman mahalaga ay malaking problema talaga,

“Naiintindihan ko na ang necessities pa lang, nakakaubos na ng kita… but you really have to pay yourself first. Ipon ka muna”, “Ang tao hindi yumayaman sa kinikita niya lang. yumayaman tayo sa naiipon natin”, payo pa ni Sharon.

Ikalawa hindi dapat mag-invest sa isang business na hindi pamilyar. Ayon pa kay Sharon bago magpakawala ng pera para sa isang negosyo may ideya dapat kung paanu ito paunlarin dahil kung wala masasayang lang ang paghihirap. Ayon pa sa aktres mabuting kumausap ng mga taong knowledgeable at expert pagdating sa nasabing negosyo.

Samantala sinabi ng aktres na hindi masama ang mangupahan muna habang wala pang kakayahang magkaroon ng sariling bahay. Marami kasi ang nagsasabi na isang malaking pagsasayang ang pangungupahan. Sa katunayan nanirahan ang mag-inang Sharon at KC sa isang condominium at sa loob ng limang taon ay nangupahan sila dito,

“I learned a lot in those five years”, “Its like paying for service. It’s like paying a roof over your head. Hindi talaga pagtatapon” pagpapatunay pa ng dating “Your Face Sounds Familiar” host.



Sa kabilang banda sinabi ng aktres na mahalaga din na magkaroon ng sariling pagmamay-ari bilang investment. Ibinahagi ng aktres na kung may kakayahan ang pamilya na magpundar ng isa pang pagkakakitaan isa yung magandang source of income din lalo na kapag tumaas ang halaga nun,

“Pagdating ng araw, tataas yung value nun – Ibebenta ninyo, kumita pa kayo” payo pa niya.

Kailangan din sanayin ang pamilya lalo na ang mga anak na paghirapan ang mga perang tinatanggap, ibinahagi ng magaling na aktres na mula pa noong bata siya ay masasabing alam na niya ang kahalagahan ng pera. At noong pumasok siya sa showbiz hindi nakikialam ang mga magulang sa kanyang personal na pera. Kaya ngayong may pamilya na siya tinuturuan niya ang mga anak kung paanu paghirapan ang pagkakaroon ng perang magagastos para sa sarili.

Ibinahagi din ng aktres na magandang negosyo din ang pananamit at pagkain,

“Pero ang pagkain, madetalye at mabusising negosyo” But if you have a knack for it, say, you have one specialty, you can try and make a business out of it. It’s a nice ‘raket’ for stay-at-home moms”

Gayundin sinabi ng may-bahay ni Kiko Pangilinan na magandang business din ang mga kasuotan dahil sa uso na ngayon ang online selling ng damit.

Samantala nilinaw din ng Megastar na hindi kailangang magpokus at ubusin ang pera para sa isang negosyo lang para kung hindi ito magtagumpay hindi sobrang sakit,

“Para kapag hindi nag-work out, hindi ganun kasakit” advice pa niya.

Pinayo din niya kung walang siguradong investment mabuting ilagay sa bangko ang pera upang hindi magamit sa negosyong hindi pamilyar.

Sinabi din ng “Maging Sino Ka Man” aktres na hindi masamang mangutang at manghiram sa bangko kahit pa may interes kung para sa magandang bagay gaya ng sariling tahanan pero kung hindi naman ay mabuting hindi na lang.



Samantala para talaga sa dating host ng “The Voice Kids” isa sa mas higit na makabuluhang at tamang paggamit ng pera ay ang pagbibigay sa nangangailangan. Sa katunayan naniniwala siya na dapat niyang ibigay ang kanyang ‘tithe’ o ika-sampung bahagi ng kanyang kinikita. At ayon pa sa aktres ito talaga ay para sa Diyos kung kaya ibinibigay niya ito sa simbahan, ‘It’s really God’s money – it’s on loan on you. Ito ay blessing. Binigay Niya, baka nga pinahiram lang. Ibalik mo sa Kanya’ pahayag pa ng matulungin na aktres.

Sa kabilang banda ipinayo niya na magspend talaga ng husto para sa pamilya mula sa simpleng bakasyon kung saan makakasama ang pamilya. At ayon pa sa butihing ina pahalagahan ang pera pero huwag itong gawin sentro na ng buhay.

“Money is not evil. It’s people who are evil. Never become a slave to money – you make money your slave” paniniwala pa ng nag-iisang Sharon Cuneta.