Marami sa ating mga Pinoy ang talagang mahihilig sa branded at mamahaling mga gamit. Sa katunayan para lang magkaroon ng pinapangarap na bagay ay nagagawa nating mag-ipon at mangutang para lang mabili ito.
Marahil ganoon kalakas ang hatak sa atin ng mga produktong gawa sa ibang bansa dahil na rin sa impluwensiya ng kasalukuyang panahon. Masasabing sa kabila ng kamahalan ng mga bagay na mula sa mga kilalang brand at galing pa sa ibang bansa gamit ay talagang pinipilit natin itong makamtan sa kadahilanan na maging angat kaysa sa mga simple at pangkaraniwan bagay lamang.
Samantala marami mang pera upang makabili ng mamahalin, imported at kilalang brand ang aktres na si Marian Rivera nagpasiya na siyang hindi na kailanman gagamit at bibili nito.
Ibinahagi ng “Marimar” actress na ipinagbili na niya ang mga naipundar na mamahalin at mga branded na kagamitan na mula pa sa ibang bansa. Ayon pa sa 35 taong gulang na aktres nawala na yung pagkahilig niya sa mga bagay na ito mula ng magkaroon ng proyekto na kailangan niyang iendorso ang mga produkto at gawang pinoy na mga kasuotan.
“Namulat kasi ang mata ko nung ine-endorse ko ‘yung Kultura. Nakita ko kung gaano kaganda at galing ng Pinoy sa paggawa ng iba’t ibang klaseng produkto” sabi pa ng “Tadhana” host.
Masasabing lubusan na talagang nabago ang puso ng magandang may-bahay ng aktor na si Dingdong Dantes pagdating sa mga imported na produkto at sa ngayon ay buong pusong ipinagmamalaki na ang mga ‘Pinoy made’ na mga produkto,
“Nawala na, e. Siguro nasabi ko na pag may pagkakataong may konting pambili, makabili ka ng medyo branded, pero sabi ko, what for? Para mas makabuluhan siguro ang pagsusuot ko ng damit kung.. alam mo yun”,
“Ngayon, mas makabuluhan ang mga sinusuot ko. Kasi, gawang Pinoy siya” pahayag pa ng proud mommy nina Zia at Ziggy.
Sa ngayon ay mga produktong tatak pinoy na ang nangunguna sa puso ng nag-iisang Marian Rivera ng pinilakang tabing.