Kuya Kim Atienza Ibinahagi kung Gaano siya ka Passionate Mangolekta ng mga Mamahaling Vintage na Motor

Bukod sa mga cute at kakaibang hayop na alaga at pinapakita ni Kim Atienza at Kuya Kim sa TV Patrol, ay mahilig din pala itong mangolekta ng mga vintage o makalumang scooters at motorbikes. Ngunit kahit vintage ang mga motor ni Kuya Kim ay mahal naman ang halaga ng mga ito. Madalas magbahagi si Kuya Kim ng mga larawan ng kanyang mamahaling motor at makikita mo din ang kanyang mga koleksyon ng ibat-ibang klase ng vintage na motor sa kanyang social media account.



Katulad nalang ng kanyang 57 taong gulang na BMW R50 na kamakailan lang ay ibinahagi niya ang larawan nito sa kanyang social media account. Ang nasabing motor ay ginamit ni Kuya Kim papunta sa kanyang trabaho at nilagyan niya ito ng caption na,

“What a blessiing to tide every single day! Salamat Lord”.

Ayon naman kay Kuya Kim, taong 1962 ng mabili ng unang may-ari ang motor na BMW R50, na pagmamay-ari na ngayon ni Kuya Kim, sa Hahn Manila na noong mga panahon na iyon ay nag-iisa lang na BMW at European motor dealer sa Pilipinas. Dagdag pa niya na,

“It felt good knowing that this 57-year-old bike still is on the road running like new, giving me such pleasure it gave the 1st owner almost 3 decades ago”.

Matatandaan na may isa pang vintage na motor si Kuya Kim na ibinahagi din niya sa kanyang social media account at ito ay ang 1954 Lambretta F na kanyang nabili tatlong taon na ang nakalipas. Ayon kay Kuya Kim ang Lambretta niya ang pinakakakaiba sa lahat ng kanyang koleksyon na motor at nag-iisa lang ito sa Pilipinas at nag-iisang modelyo ng Lambretta F sa buong Asia kaya talaga naman sulit ang pagbili niya dito.



Ang motor ni Kuya Kim na Royal Enfield Classic 500 Desert Storm na dinesenyo noong World War II ay umagaw ng pansin sa social media. Ibinalita kasi ng aktor na si Dingdong Dantes na gusto nilang gamitin ang motor ni Kuya Kim sa nalalapit nitong teleserye na “Descendants of the Sun” remake.

Ayon naman kay Kuya Kim ng minsan siyang tanungin kung bakit nito nagustuhan ang mga vintage na motor ay dahil, “Its a piece of art, a piece of sculpture with history and provenance.”

Nainspire kaba kay Kuya Kim at gusto mo ng mangolekta din ng vintage na motor? Narito ang video ng mga tips ni Kuya Kim tungkol sa mga vintage na mga motor.

How To Start Collecting Bikes by Kim Atienza