“Kapag may tiyaga may nilaga”, para sa ating mga pinoy isa itong kasabihan na nagtutulak sa atin na patuloy na magsumikap sa ating buhay. Sa pagtitiyaga at pagtitiis na may kasamang paggawa ay hindi malayong makamtan mo ang minimithing pangarap sa buhay.
At katulad na lang ng pinagdaanan ng singer at komedyanteng si Kakai Bautista, nagawa niyang malampasan ang mga pagsubok sa buhay bago pa siya naging isang sikat na singer. Sa kabilang banda, hindi man naging madali ang daan na tinahak niya bago maabot ang kanyang kinaroonan ngayon ay lubos ang pasasalamat niya sa mga taong naging instrumento lalung lalo na sa Diyos.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan nila ng sikat na singer na si Ms. Lea Salonga noong panahon na siya ang personal ‘wardrobe assistant’ ng sikat na singer na nilagyan pa niya ng caption na,
“It’s been almost 20 years ago since i had the privilege to serve the only LEA SALONGA ❤️ This was year 2000 in “They’re Playing our Song” I was her wardrobe assistant. I iron, laundry, carry her costumes and wash her innergarments 6 days a week for almost a year. I dress her on quick changes”.
Sa kabilang banda, inamin ng “Hello, Love Goodbye” cast na dumating ang pagkakataon na pinanghinaan siya ng loob dahil sa mga naranasan pero dahil na rin sa tulong ng “The Voice Kids” judge ay nagawa pa rin niyang magpatuloy,
“Life was very hard back then. I need to walk from edsa to AFP Theater. I had to skip meals to save for everyday fare to Laguna. My friends and I – naghahati hati kame sa isang cup ng Yakisoba ganun lang. Pero MASAYA KAME. I needed to find “cubao shoe expo”without google and waze”,
“Last to sleep, first to rise. There were times i wanted to give up kase sobrang pagod pero pag natirinig ko syang(Lea Salonga) kumanta, Nagigising diwa ko ? because i See her everyday. I got to sing and dance off stage with her during shows. I Got to hug and greet her “volunteer song lady”everyday”.
Ilang netizen ang nagpaabot ng mensahe sa komedyanteng singer,
“moirarachelle Ate kaye such a bright light you have ?????”,
“leloiarcete Kai, kaya ka madami blessings di nakakalimot at hindi nahihiya ishare ang pinagmulan ? Thank you for sharing this ❤️”,
“maalmamtuazon You humble beginning and being proud of those led to where you are now ? you have a golden voice and i believe your time will come the soonest. Right timing lang ? God Bless you ?❤️”.
At ngayon ang mga paghihirap ng 41 na taong gulang na singer-aktres ay napalitan na ng mga tagumpay sa buhay ay nanatili pa rin siya sa kung paanu siya nagsimula at taos pusong nagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng pagpapalang tinanggap,
“❤️❤️❤️ I just want to be GRATEFUL today and everyday for all those hard but fulfilling happy moments. God is truly amazing! HE KNOWS whats best for you. One my best best memories that i will treasure forever:❤️ I LOVE YOU MANANG!! @msleasalonga P.S. parang si Luz talaga ang kumakain ng mga espasol mo eh.? #GRATEFUL”.
Tunay na sa pagsusumikap at pagtitiyaga ay makakamtan mo anuman ang naisin mo sa buhay basta magtiwala ka sa sarili mo lalong higit sa Diyos katulad ng ginawa ni Kakai na ngayon ay tinatamasa na ang tamis ng kanyang pinaghirapan.