Kilalanin: Mga Sikat na Artistang Magkamag-Anak Pala na Di Alam ng Karamihan

Hindi maiwasan sa mga artista na ang kapamilya o kadugo nila ay kapwa din nila artista. Ang iba kasi sa kanila ay nasa lahi na o di kaya ay anak ng mga artista.



Narito at ating kilalanin ang mga artista na magkakadugo pala.

1. MARTIN DEL ROSARIO AND CES QUESADA

Photo credits: www.gmanetwork.com  

Pamangkin ni Ces Quesada ang Kapuso hunk na si Martin del Rosario nadiskubre ito sa isang episode ng “Tunay na Buhay” kung saan kwento ni Martin ang inilahad ng palabas.

2. SOPHIE ALBERT AT CORAZON AQUINO

Photo credits: www.gmanetwork.com

Kapatid ng dating Presidente Cory Aquino ang lola na ina ng ama ng Kapuso beauty na si Sophie Albert.

3. GRETCHEN FULLIDO AT MARCO GUMABAO

Photo credits: www.gmanetwork.com

Ang ina naman ng tagapaghatid balita na si Gretchen Fullido ay kapatid ng ama ni Marco Gumabao na si Dennis Roldan kaya silang dalawa ay magpinsan.

4. MAINE MENDOZA AT COCO MARTIN

Photo credits: www.gmanetwork.com

Tulad ng mga netizens ay nagulat din sila Maine Mendoza at Coco Martin na magkamag-anak pala sila nalaman nalang nila ito noong sila ay nagkita sa isang family reunion. Ayon sa Kapusa star na si Mainde Mendoza “Distant relatives po kami. So, nalaman na po namin ‘to[noong] may family reunion kami sa Bulacan. ‘Tapos sa pagkalaki-laking family tree nandito ako, andito si Coco [Maine points from left to right]. Nauna ‘yung reunion kesa dun sa start ng movie,”.



5.EULA VALDES AT PAOLO BALLESTEROS

Photo credits: www.gmanetwork.com 

Pamangkin ng The General’s Daughter na aktres na si Eula Valdes ang Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros. Kapatid kasi ng ina ni Eula ang lola naman ni Paolo.

6.ANTONIO AQUITANIA AT DANIEL PADILLA

Photo credits: www.gmanetwork.com

Ang nanay ni Daniel Padilla na si Karla Estrada ay first cousin ni Antonuo Aquitania dahilan para maging pamangkin nito si Daniel.

7. LORNA TOLENTINO AT ZSAZSA PADILLA

Photo credits: www.gmanetwork.com

Magpinsan naman ang Ang Probinsyano aktres na si Lorna Tolentino at ang dating asawa ng namayapa ng si Dolphy Quizon na si Zsazsa Padilla.

8. AI-AI DELAS ALAS AT REGINE VELASQUEZ-ALCASID

Photo credits: www.gmanetwork.com

Magcousin-in-law naman ang sikat na komedyante na si Ai-Ai Delas Alas at ang tinaguriang Song Bird na si Regine Velasquez.



9. SUSAN ROCES AT SHERUL CRUZ

Photo credits: www.gmanetwork.com

Kapatid ni Susan ang ina ni Sheryl na si Rosemarie Sonora, dahilan para maging pamagkin ni Susan si Sheryl.

10. TIRSO CRUZ III AT RODJUN CRUZ

Photo credits: www.gmanetwork.com

Si Tirso Cruz III ay tiyuhin nila Rodjun Cruz at Rayver Cruz.

11. ZOREN LEGASPI AT DANI BARRETTO

Photo credits: www.gmanetwork.com

Anak ng kapatid ni Zoren Legaspi na si Kier Legaspi si Dani Baretto kay Marjorie Baretto dahilan para maging pamangking tunay ni Zoren di Dani.

12.JACKIE FORSTER AT MICKEY FERRIOLS

Photo credits: www.gmanetwork.com

Maghalf-sister naman sila Jackie at Mickey na ang tunay na pangalan ay Michelle Forster.



13. MAJA SALVADOR AT PHILIP SALVADOR

Photo credits: www.gmanetwork.com

Kapatid naman ni Phillip ang ama ni Maja Salvador dahilan para maging pamangking tunay niya ito.

14. CIARRA SOTTO AT KC CONCEPCION

Photo credits: www.gmanetwork.com

Ang ina ni KC na si Sharon Cuneta ay pamangkin ng ina ni Ciarra na si Helen Gamboa, kaya si Sharon at Ciarra ay magpinsan at pamangkin nito si KC.

15. DENISE LAUREL AT FRANCO LAUREL

Photo credits: www.gmanetwork.com

Magpinsan si Denisr Laurel at Franco Laurel na pareho namang apo ng dating Presidentr na si Jose P. Laurel.