Dimples Romana Nagpasalamat Sa Mga Kasamahan Sa ‘Kadenang Ginto’ Sa Surpresang Selebrasyon Para Sa Kanyang Ika-35 Na Kaarawan

Masasabing napakasaya talaga para sa isang tao ang maalala ang natatangi at sobrang espesyal na pagkakataon sa kanyang buhay, ang araw na isinilang ka sa mundong ito. Bukod pa sa mga okasyon na talaga namang pinagkaabalahang ihanda ng mga taong mahal mo sa buhay at mga regalong tatanggapin ay ang panibagong taon na ipinagkaloob sayo ng Maykapal.

Ito marahil ang nararamdaman ng aktres na si Dimples Romana matapos siyang muling magdiwang ng kanyang natatanging kaarawan. Samantala, naging espesyal ang araw na ito para sa Daniela Mondragon ng kapamilya teleseryeng “Kadenang Ginto” matapos siyang gulatin ng mga kasamahan para sa kanyang ika-35 kaarawan.



Sa katunayan, hindi naman problema sa aktres ang magdiwang ng kaarawan habang nasa kanyang trabaho dahil sa mga panahong nakasama niya ang mga cast at mga kasamahan sa Kapamilya teleserye ay itinuring na rin niya silang tunay na pamilya.

Ibinahagi ng 35 taong gulang na aktres sa kanyang Instagram ang ginawang surpresa ng mga kasamahan habang sila nasa taping ng “Kadenang Ginto”, sa ilang larawan nga ay makikita si Dimples habang hinihipan ang kanyang birthday cake na mula sa kanyang KG family na nilagyan niya ng caption na,

“And this is how my 35th birth day began. On set with my beloved KG family. Full story later –can’t seem to find the exact words yet to share just how grateful I am. Sabihin na lang natin, I HAVE THE BEST FRIENDS in the entire universe. –Happy birthday to me”.

Photo credits: dimplesromana | Instagram

 

Samantala, naging espesyal din ang kaarawan ng dating “Swak na Swak” host ng personal na dumalaw ang kanyang malapit na kaibigan sa showbiz na si Angel Locsin para lang batiin ang kaibigan. At ayon pa sa birthday celebrant,

“When you have an @therealangellocsin in your life, you are #Blessed Sa salubong ng birthday ko, I was still taping with my KG family, tight ang schedule because naghahabol kami ng pagalis for Rome today. Im not the kind of person who expects much. Sanay ako sa sapat lang para sa amin growing up kaya hindi ako maexpect. Masaya na ako sa tawag, text o yakap mula sa mga kaibigan ko pag birthday ko –little did I know, may Mas malaki pa palang surpresa. Etong mars ko, sa ka-busyhan niya sa kasal, sa Dami niyang shoots, in between her going to places to help out, found the time to prepare something for me with my family”.

Photo credits: dimplesromana | Instagram



Photo credits: dimplesromana | Instagram

Sa kabilang banda, ilang mga kasamahan sa industriya ng showbiz ang nagpa-abot ng mensahe at pagbati katulad nalang ni,

“karlaestrada1121 Happy birthday sissy ! God bless you always!love you(kiss-emoticon)”,
“misisizacalzado Happy Birthday Dimples! You deserve all the blessings coming your Way. All the best!”,
“candypangilinan Happy birthday dimps”,
“lornatolentinofernandez Happy Birthday Inaanak Dimples”.

Photo credits: dimplesromana | Instagram

Talaga namang sa pamamagitan ng mga taong malalapit sa iyong puso magiging kumpleto at espesyal ang natatanging kaarawan sa iyong buhay.
Maligayang kaarawan sayo Dimples Romana!!