Hindi lang pala sa mga netizens nagbibigay ng tulong at payo si Piolo Pascual dahil kahit sa kapwa nitong artista ay nagsisilbi siyang inspirasyon sa kanila tulad nalang kay Dimples Romana.
Nagpahatid ng pasasalamat sa kanyang Instagram account si Dimples Romana kay Piolo Pascual dahil sa mga naitulong nito sa kanya. Ayon pa kay Dimples para ng nakatatandang kapatid ang turing nito kay Piolo lalo na at halos sabay silang tumanda sa industriya ng show business at sabay din silang dumadalo sa isang workshop 23 taon na ang nakalipas.
Nagbahagi din ito ng larawan nilang dalawa ni Piolo at nilagyan niya ito ng caption na,
“Yung kuya mong supportive. I would always joke around how @piolo_pascual still looks the same way as the time we were attending workshops 23 years ago. May braces pa ako nun,pigtails and jumper.”

Ibinahagi din ni Dimples kung paano nakatulong sa buhay niya ang mga payo ni Piolo lalo na ang pagiging mabuting tao sa lahat ng tao at ang pagpapahalaga ng mga bagay na mayroon siya katulad ng kanyang trabaho. Ani ni Dimples,
“Pa Peej inspired me to be hard working, to be good to people, kahit ano pang estado nila sa buhay at higit sa lahat magdasal”.

Nagpasalamat din si Dimples sa mga tao na hindi niya inaasahan magkakaroon ng halaga at magandang impact sa buhay niya at isa na nga doon si Piolo na sobra niyang pinapahalagahan. Dagdag pa niya na may mga tao sa buhay niya na naging inspirasyon at may magandang impluwesya sa kanya ng hindi nila alam na ganoon na pala impact nila sa kanya. Ani nya,
“Ang laki ng utang na loob ko sa kanya. Salamat Pa Peej!!! Isa ka sa pinakamabubuting taong mahal ko, o pano, pa-Abs ka naman, tapos rice and @megasardines na!”.
Mayroon talagang mga taong dadating sa buhay natin ng hindi natin inaasahan,kaya dapat nating pahalagahan ang mga taong naging inspirasyon bago pa nila tayo iwan at magturo ng isang leksyon.
source: virtualpinoy