Hindi madaling makalimot sa mga pangyayaring naghatid sa atin ng lubos na saya at pagkatapos ay ito din ang magbibigay sa atin ng lungkot at luha sa ating mga mata. Hindi man masasabing napakadali ang lumimot sa masalimuot na karanasan pero totoong hindi ito ang magiging dahilan upang hindi na magpatuloy pa sa buhay.
At para sa aktres na si Bea Alonzo hindi man naging maganda ang mga nakalipas na buwan bunsod na rin ng kontrobersiyal na paghihiwalay nila ng kasintahang aktor na si Gerald Anderson. Sa kanilang banda, hindi hinayaan ng aktres na ang pagsubok na kaniyang pinagdaanan ay ang magpatigil ng pag-ikot ng kaniyang mundo. Bagkus ay matapang na hinaharap ito ni Bea at sa tulong na rin ng kanyang mga mahal sa buhay ay nagawa niyang magpatuloy sa mga hamon ng buhay.
At masasabing katulad na lang ng kanyang ginampanang role sa pinakabago niyang pelikula na “Unbreakable” kung saan nakasama rin niya ang kaibigang si Angelica Panganiban na katulad niya ay nabigo rin sa kanyang buhay pag-ibig. At kagaya ng pamagat ng kanyang pelikulang pinagbidahan masasabing unbreakable na rin ang magandang aktres matapos ang dumating na unos sa kanyang buhay pag-ibig. .

At kamakailan lang ay isang panibagong Bea ang namalas ng mga netizen at kanyang tagahanga matapos nitong pasinayaan ang pinakabago niyang business na coffee house na “Dean & De Luca”
Masayang masayang ibinahagi ng 32 taong gulang na aktres sa kanyang Instagram account ang ilang larawan ng kanyang new business,
“I am happy to announce that we are having our soft opening today of Dean and Deluca in Quezon City” sabi pa ni Bea.
Sa kanya ngang post sa kanyang Instagram masaya niyang inimbitahan ang lahat na bumisita sa bagong pinagkakaabalahan,
“I’ve been so excited about this new venture and I can’t wait to dine with you guys and run you through our delectable menu” paanyaya pa niya.

Sa kabilang banda ang nasabing bagong business ng Kapamilya artist ay matagal na niyang pinaplano at pinaghandaan matapos niyang makumpleto ang isang short course niya na baking sa sikat na Center for Culinary Arts nitong nakaraang taon lang.
Totoong hindi natin maiiwasan ang mga pagsubok sa ating buhay katulad ng nanagyari sa aktres na si Bea Alonzo pero hindi iyon ang magiging dahilan upang bumitaw tayo at sumubok na maging positibo sa buhay,
“Good old coffee. Just what I need today” pahayag pa ng ‘Unbreakable’ star.
Matatagpuan ang coffee place ng “A Love to Last” actress sa Scout Tuazon corner Scout Rallos sa Quezon City.