Kapag sinabi nating mga bata sa ngayon ang unang papasok sa ating isipan ay maaring nahihilig sila sa mga usong-uso ang video games mga sikat na online application at mga laro na maaring gamitin pampalipas oras.
Sa panahon ngayon na ang mga kabataan ay abala sa mga bagay kung saan may Sa kabilang banda kung tatanungin natin ang 9 taong gulang na si Laurent Simons isang bata na taga-Belgium kung kamusta na ang kabataan niya isa lang ang tuwirang isasagot niya,
“ I obtained my bachelor’s degree in a university!”.
Sa katunayan si Laurent na talaga ang pinaka nag-iisang bata na magagawang grumaduate sa kabila ng kaniyang murang edad. At sa kasalukuyan ay nag-aaral siya ngayon at malapit ng magtapos sa Eindhoven University of Technology sa kursong Electrical Engineering at magagawa niya itong tapusin sa loob lamang ng siyam na buwan na pag-aaral.
Marami nga ang nagsasabi na maituturing talaga na Genius ang 9 taon na bata dahil nagsimula itong mag-aral sa edad na apat na taon na agad namang kinakitaan ng husay at galing matapos na tapusin ang isang five year study program sa loob lamang ng isang taon.
Sa kabilang banda, ayon sa ama ni Laurent na si Mr.Alexander ang mga lolo at lola talaga ni Simons ang nakapansin na espesyal ang kanilang apo at ito ay may taglay na kakaibang talino. Ngunit kalaunan ay napansin din ito ng mga naging guro niya at nagsagawa pa nga sila ng mga ilang mga test upang malaman kung gaanu talaga siya katalino.
Ilan nga sa mga naging guro niya ay may kanya-kanyang impresiyon sa batang tinatawag nilang genius, katulad ng guro niya na si Professor John na nagsabing ang kaalaman ni Simon ay maikukumpara sa isang 16 na taong gulang na estudyante noong siya ay 6 na taon pa lang.
Sa katunayan ang tutor niya ngayon na si Professor Baltus ay nagsabi din na ang gifted na bata ay tatlong ulit na mas matalino kaysa sa mga estudyanteng naturuan na rin niya bilang isang tutor. Samantala, kagaya ng ibang bata ang 9 na taong gulang na bata ay may iba ding pinagkakaabalahan katulad ng paglalaro ng mga games katulad ng sikat na sikat na Minecraft.
At may alaga din itong german shepherd na ang pangalan ay ‘Joe’. Sa ngayon ay may balak din ang masasabing child prodigy na magpatuloy pa sa pag-aaral at kumuha pa ng ibang kurso kagaya na lamang ng medisina.
source: CNN