Isang tunay na superhero talaga kung maituturing si Angel Locsin dahil sa walang sawa nitong pagtulong sa mga taong nangangailangan. Katulad nalang ng pagtulong nito sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda at sa mga naapektuhan noong nagkaroon ng gulo sa Marawi.
Hindi lang doon natatapos ang pagtulong ni Angel dahil kamakailan lang ay nakita itong namimili ng mga relief goods na kanyang ipamimigay sa mga nasalanta ng lindol sa Davao City.

Marami ang nagulat ng makitang namimili ang magkasintahan na si Angel Locsin at Neil Arce sa isang grocesy sa Davao City. Ayon sa mga nakakita, napakasimple lang ng kasuotan ni Angel ng mga oras na iyon pero bakas sa muka at kilos nito ang kagustuhang makatulong sa mga taong nangangailangan.

Isang real life Darna kung maituturing ng iba ang ginawang pagtulong ni Angel sa mga tao. Dagdag pa nila na ang daming sako ng bigas ang bili ng magkasintahan at sinamahan pa nila ito ng mga de lata na pagkain at tubig. Napag-alaman din nila na ang mga binili ni Angel ay idodonate o ipamimigay niya sa mga biktima ng nakaraang lindol.

Isa si Roy Gimaro sa nakasaksi sa ginawang pamimili ni Angel at ayon sa kanya ang mga bigas na binili ni Angel ay mapupunta sa mga lugar na labis na nasalanta ng lindol. Ilan nga sa mga lugar na ito ay ang Tulunan, Makilala Kidapawan at marami pang ibang.

Masaya namang binati at nginitian ni Angel ang mga taong nakakasalubong niya na bumibili din sa nasabing grocery store. Marami namang netizens ang natuwa at humanga sa ginawang ito ni Angel sa mga tao sa Davao City. Marami din ang nagbahagi ng mga larawan na kanilang nakuha habang namimili si Angel, narito ang ilan sa mga post na may kasama pang caption,
“Thank you Miss Angel you’re really beautiful inside and out. More blessings to you. God bless you.”
“Pinersonal talaga niya ang tulong niya. God bless you!”
“Marami pang darting na blessing sa iyo, Angel, dahil ikaw ang unang nagbibigay.”
“Ganyan dapat tumutulong siya mismo ang bibili ng ipangbibigay sa kapwa tao.”
Madami ang nabahagian ng tulong ni Angel lalong lalo na ung mga lugar na sobra talagang naapektuhan. Mabuhay ka Angel at ipagpatuloy mo lang ang mabuting ginagawa mo.