Matatandaan na noong nakaraang taon, Nobyembre 11, 2018, ay nagdiwang sila VIc at Pauleen ng unang kaarawan ng kanilang anak na si Tali sa Sta. Elena Golf & Country Estate. Nitong nakaraang araw lang, Nobyembre 6, 2019, ay pinagdiwang naman nila Vic at Pauleen ang pangalawang kaarawan ni Tali.
Ibinahagi naman ni Pauleen Luna sa kanyang IG account ang mga larawan ng kaarawan ng kanyang anak at isa nga dito ay ang kanilang family photo na may mga makukulay na lobo sa kanilang likuran. Nilagyan niya naman ng caption ang larawan na ito ng,

“Today we celebrated Tali’s Life in a simple but very meaningful way”.
Isa sa mga tagahanga ni Pauleen ay may napansin sa larawan ng aktres kaya agad itong nagkumento ng “Is this at St. Rita’s Orphanage?” na agad naman sinagot ni Pauleen ng “Yes”.

Kunting kaalaman lang, ang St. Rita’s Orphanage na matatagpuan sa Sucat, Paranaque ay isang bahay ampunan o tahanan ng mga batang inabanduna na ng kanilang mga magulang o pinapaampon sa iba.

Nagpapasalamat naman si Pauleen sa Panginoon dahil binigyan siya ng pinakamagandang regalo at yun nga ay ang kanyang anak na si Tali. Sinabi din niya na si Tali ay isang biyaya sa kanila at sa ibang tao tulad na nga ng mga bata sa bahay ampunan. Dagdag pa niya na,
“I pray that the Lord guides me to be the mother he wants me to be. I am at my best because of you and your dad. Happy 2nd birthday, my love! We love you, always be!”.

Ibinahagi din ni Pauleen sa kanyang IG account ang isang napakasweet na larawan nila Tali at Vic kung saan ay hinalikan ni Tali ang kanyang ama sa mismong araw ng kanyang kaarawan.

Binati din si Tali ng kanyang ate Paulina Sotto-Llanes na isa sa mga anak ni Vic ng masayang kaarawan sa IG account nito. Nagbahagi din si Paulina Sotto-Llanes ng baby photo nya at ni Tali para sabihin na magkamuka sila.

Maligayang kaarawan Tali, sana marami pang kaarawan ang dumating sa iyo. God Bless you!