May mga taong talagang likas ng mabait at mabuti lalo na sa kapwa nila at sila yung mga klase ng tao na hindi namimili kung sinu dapat ang tutulungan nila. Para kasi sa kanila, kapag naging mabuti ka sa kapwa mo ay pwede ka din nilang suklian ng kabutihan. Ngunit sa panahon ngayon ay parang kunti nalang ung magsusukli sayo ng kabutihan kasi yung iba aabusuhin ka pa.
Pero hindi ganito ang nangyari kay Yassi Pressman ng minsan siyang gumawa ng mabuti sa kanyang kapwa dahil sinuklian din siya nito ng kabutihan. Ang pagiging mabuti sa kapwa mo kahit na sa simpleng paraan ay pwede din nilang suklian ito ng kabutihan, bagay na natutunan ni Yassi ng minsang makasama niya ang mga batang lansangan sa Maynila.
Ayon kasi sa larawan na ibinahagi ni Yassi sa kanyang Instagram account, ay makikita mong masaya itong nakipagbonding sa mga batang lansangan sa lungsod ng Maynila. Binilhan niya rin ang mga ito ng softdrinks at hindi niya naman inaasahan na aalukin siya ng mga ito ng kendi kapalit ng pagbili niya sa mga ito ng inumin. Ayon kay Yassi,
“Araw-araw ang sarap magpasalamat, maliban sa napakasayang araw ng trabaho, may napaalala na naman sa akin itong mga batang ito. Binilhan ko sila ng softdrinks, kapalit daw nun eh gusto ko daw ba ng candy?”.

Sa mga puntong iyon ay napagtanto daw ni Yassi na ang kabutihan ay kabutihan, kahit maliit man ito o malaki ang mahalaga ay maluwag sa puso mong ibinigay ito. Ani niya,
“It doesn’t matter what you have or don’t have, but your willingness to give will take you places”.
Nagpasalamat naman si Yassi sa leksyon na naituro sa kanya ng pagkakataon na nakasama niya ang mga batang lansangan at ito ay ang pagiging kuntento sa mga bagay na meron ka maliit man ito o malaki dahil hindi lahat ng tao mayroon ng bagay na mayroon ka. Maliit man o malaki ang naitulong mo sa kapwa mo ang mahalaga ay napasaya at nakatulong ka sa kanila. Ayon pa kay Yassi,
“Salamat sa munting paalala at sa mga ngiti mga bata! pati na rin po pala sa candy! Magkikita din tayo ulit!”.
Nagbahagi din si Yassi ng isang maiksi ngunit makabuluhang panalangin para sa mga bagay na natutunan niya sa mga batang lansangan. Ayon sa kanyang panalangin,
“Life always has its ways of surprising you. Perseverance, positivity and prayers. Thank You, Lord Father, for guiding me and giving me the lessons for when i have failed and the strenght to get up and grow! Always!.,
Ang pagkakataon na ito ay nagpapatunay na hindi lang magandang mukha ang mayroon si Yassi kundi mayroon din itong magandang kalooban at mabuting puso. Mabuhay ka Yassi!